Sa Instagram, nagbahagi ng ilang mga larawan ang aktres na si Jenine Desiderio kung saan, kasama nito ang anak na si Janella Salvador. Makikita rin sa naturang larawan ang tatay ng boyfriend ni Janella na si Markus Patterson.
Dito, nasa loob ng isang sasakyan si Janella kasama ng kanyang mommy at future father-in-law. Ayon kay Jenine, papunta umano sila ng mga ito sa supermarket.
“Supermarket run. Yes, no masks. Masks are only required here inside supermarkets, restos & public transport. Face shields are unheard of in here,” caption pa ni Jenine.
Nasa United Kingdom ngayon ang mag-inang Jenine at Janella at kasama rin umano ng mga ito ang nakababatang kapatid ng aktres. Ayon sa mga larawan na ibinabahagi ng mga ito sa IG at sa kanilang IG stories, nananatili ngayon ang mga ito sa bahay nina Markus doon.
Ito ay matapos ang ulat na nagbubuntis ngayon si Janella sa anak nila ng boyfriend na si Markus. Bagama’t hindi lantarang kinumpirma ni Janella at ng panig nito ang tungkol sa kanya raw pagdadalang tao, mayroong mga ulat na nagpapatunay na kumpirmadong buntis ang aktres.
Ayon pa rito, nitong Oktubre na nakatakdang manganak si Janella na siyang maaaring dahilan ng paglipad sa UK ng kanyang mommy Jenine.
Sa mga larawan o video nga na ibinahagi nina Jenine, Janella, at Markus, napansin ng mga netizen na hindi pinapakita ni Janella ang kanyang tiyan. Pansin din ng mga ito ang pagdagdag umano ng timbang ni Janella na isa ring patunay na nagbubuntis nga ito.
Sa larawan ngang ito na ibinahagi ni Jenine kasama ang anak at tatay ni Markus, halata sa mga netizen ang pagiging chubby na umano ng mukha ni Janella. Kaya naman, mas nakakasigurado pa ang mga ito na buntis nga ang aktres.
Gayunpaman, kahit na itinatago umano ni Janella ang tungkol dito, masaya pa rin daw sila para sa aktres at sa biyayang ito sa kanyang buhay.
Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizens tungkol sa mga bagong larawan na ito ni Janella:
“I think she is pregnant but intentionally hiding the belly, and there is nothing wrong with it. Anyways, it's her life. She can do whatever she wants and I am happy for her.”
“The way she posts halatang preggy siya. Congrats to the both of you.”
“It looks like she's intentionally hiding her belly, maybe it's true that she's pregnant and there's nothing wrong with it. It's her life and she would be the one who would decide for what she wants to do. Leave her alone. I'm so happy for her and Markus!!
“It’s a blessing. Ganda pa rin kahit tumaba siya dahil sa baby niya kaya it’s ok.”
Si Janella, 22 taong gulang, ang isa sa maituturing na pinakamagaling at pinakamagandang aktres sa kanyang henerasyon. Maliban sa pag-arte, kumakanta din si Janella na namana nito sa kanyang mga magulang na kilalang mga mang-aawit, sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.
Huling napanood si Janella bilang pangunahing cast ng teleseryeng ‘The Killer Bride’ kasama sina Maja Salvador at Joshua Garcia.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment