Nauwi sa kasalan ang tunay na pagmamahalan nina Rosie at Mario sa kabila ng mapanghusgang mga mata ng lipunan.
Ang bride na si Rosie Babor ay mayroong kapansanan ngunit, hindi ito naging hadlang upang makatagpo siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Tinanggap at minahal ito ng buo ng kanya na ngayong asawa na si Mario Perez.
Nito lamang ika-6 ng Oktubre, masayang ikinasal sina Mario at Rosie sa Sto. Nino Parish Church sa Barangay Paknaan, Mandaue City, Cebu.
Sa araw ng kanilang kasal, sa kabila ng kapansanan ay mas pinili ni Rosie na maglakad papunta sa altar. Pinili nitong huwag gumamit ng wheelchair dahil kagaya ng maraming kababaehan, kahit na mahirapan ito ay gusto raw ni Rosie na maranasan “to walk down the aisle”.
Agad naman na naging viral sa social media ang kasal na ito nina Rosie at Mario. Dito, maraming mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa dalawa.
Pagbabahagi pa ni Mario sa lovestory nila ng kanyang misis, nagkakilala umano sila ni Rosie sa pagiging magtextmate. Dito ay nahulog ang loob nila sa isa’t-isa at minahal niya pa rin ito sa kabila ng kapansanan ni Rosie.
Hindi umano itinago ni Rosie ang kanyang kondisyon kay Mario at tinanggap naman ito ng buo ng asawa.
Ayon naman sa mga netizen, halimbawa ito ng tunay na pagmamahal na hindi tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang tao. Ipinamalas umano ni Mario na ang pagmamahal ay hindi dapat nasusukat sa anumang anyo at mas lalong hindi sa idinidikta ng lipunan.
Maraming mga netizen naman ang kinilig sa kwento ng pag-iibigan nina Rosie at Mario. Masaya ang mga ito para sa dalawa na nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa isa’t-isa.
Sa panahon umanong ito, bihira na ang makatagpo ng lalaking kaya kang irespeto ng buo at ibigay ang kanyang buong pagmamahal sa iyo. Kaya naman, napakaswerte umano ni Rosie at nakatagpo ito ng lalaking para sa kanya na mamahalin siya ng walang kondisyon.
Ayon sa mga netizen, isang aral na mapupulot umano sa pag-iibigan na ito nina Rosie at Mario ay ang katotohanan na ang pag-ibig ay hindi dapat binabase sa pisikal na kaanyuan o sa kung ano ang katanggap-tanggap sa lipunan.
Heo pa ang ilan sa komento ng mga netizens na masaya para sa naganap na kasalan nina Rosie at Mario:
“Measurement of true love is never in what we see outside, it's in the feeling of what we feel for the person… #TrueLoveWins Best wishes.”
“Nakaka proud naman na may mga lalaking ganito sa mundo. Kuya, alagaan mong mabuti si ate ha.”
“I salute the man for standing his love and affection showing to the world that love has no form, regardless of judgment and acceptance! Congratulations Mr.and Mrs.”
“Buti pa ito, kahit PWD, nakatagpo ng tunay na pagmamahal. Marami diyan maganda, mayaman, matalino, seksi, pero malas sa pag-ibig. Congrats to the both of you. Best wishes!”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment