Sunday, October 11, 2020

Kapatid ni Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach, May Matinding mga Pahayag Para sa Beauty Queen


Marami ang nagulat sa mga iniwang pahayag ng kapatid ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach sa Instagram para sa kapatid.

Mabibigat na mga salita ang pinakawalan dito ni Sarah na naglabas ng kanyang galit para kay Pia.

“Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda peros sorry wala. Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan. Magsama kayo ni mama,” ang matinding pahayag pa dito ni Sarah para sa beauty queen na kapatid.

Ayon sa mga pahayag niyang ito, nais daw ni Sarah na humingi sa kanya ng tawad si Pia ngunit hindi ito magawa ng huli.


“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan. Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama, di porket nananahimik ako ako yung masama…

“Magapologise na you hurt my feelings due to the statements you made when you were NOT SOBER, hindi mo magawa? Aangkas ka sa galit ko? Where’s the understanding on your part? So I have to shut down my sadness and anger? Then you ignore me for days. What kind of treatment is that,” ani pa ulit ni Sarah.

May nabanggit din ito tungkol sa isyu ng pera na umano’y pagiging ‘broke’ niya sa panahon ngayon. Isinaad dito ni Sarah na hindi umano siya mukhang pera.

Dagdag pahayag pa nito, sa tuwing nag-aaway umano si Pia at ang boyfriend nito ay siya palagi ang dumadamay sa kapatid ngunit, sa panahong siya naman ang nangangailangan ay hindi siya magawang madamayan nito.



Si Sarah rin umano ang sumalo ng ilang mga bagay na maaaring makapa-stress sa kapatid kung saan kasali umano ang kanilang nanay. Ilan pa sa mga pagsisiwalat nito,

“Pareho kayo ni mama, abusado sa sistema. Wala kayong pakialam kundi sarili nyo. Tapos laging idadamay si Charlie. WALA NAMAN SYA SA USAPAN. Gusto nyo iwan ko kasi walang pera? See? Pera pera pera. Tapos nagwew3ed palagi? Eh teka…

“Don’t confuse money and status for power. I’m silent because I protect you and our f*ck*ng narciss1stic mom. Receipts included. Don’t make me fully go insane and start showing people evidence. I’M NOT THE ONE IN THE WRONG AND YET I’M ALWAYS THE ONE BEING SILENCED.”


Ikinabahala naman ng mga netizen ang nangyayaring away raw na ito sa pamilya ni Pia. Para sa mga netizens, hindi na umano sana isinapubliko pa ang ganitong problema dahil sa huli ay ang pamilya lang din ang dadamay sayo at uuwian mo.


Mayroon ding dalawang panig ng storya kaya karamihan sa mga ito ay iniwasan ang manghusga sa kung anumang away o problema na mayroon ang pamilya nina Pia. Ani ng mga ito, maaaring mayroong punto ang mga inihayag ni Sarah ngunit kasali din si Pia sa usapan kaya mayroon itong saad sa pangyayari.

Gayunpaman, hiling ng mga ito na sana ay maayos na ang anumang nasa pagitan nina Pia at ng kapatid niyang si Sarah at maibalik sa maayos ang relasyon ng mga ito bilang magkapatid.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment