Saturday, October 31, 2020

Vice Ganda, Live na Nag-ahit ng Kilay Bilang Funishment sa It’s Showtime


Labag sa kalooban ni Vice Ganda ang ipinagawa sa kanyang matinding ‘funishment’ sa ‘Mas Testing’ na segment ng It’s Showtime.

Kinailangan lang naman kasing ahitin ni Vice ang kanyang buong kaliwang kilay. Ito ay matapos na magkamali ito sa pagpili kina Lassy at MC kung sino raw ang may pinaka-bitter na mukha pagkatapos uminom ng ampalaya juice.

“Ito ang unang-unang nakalagay sa konstitusyon ng mga bakla! Kailangang perfect ang kilay…

“Alam n’yo ba kung gaano kahalaga sa mga bakla ito? ‘Yung kilay ko kasing halaga ng kapatid ko!” pagpoprotesta pa nga ni Vice tungkol dito.

Dagdag pa ni Vice, magpe-perform pa naman daw ito bukas ngunit wala na ang isang kilay nito ngayon pa lamang. Saad pa nga ni Kim Chiu na magiging partner nito sa performance,

“Oh my god! ‘Yung partner ko bukas wala nang kilay!”

Sa kabila ng mahigpit na pagtutol dito ng host, wala pa rin itong nagawa kundi sundin ang ipinapagawa sa kanyang parusa. Gamit ang isang kulay pink na ‘razor, labag sa loob na inahit ni Vice ang buong kilay nito sa kaliwa.


Ang ginawang ito ni Vice ay agad naman na naging trending sa Twitter at pinag-usapan ng mga netizens at madlang people. Kahit hindi makapaniwala na nagawa nga ni Vice na ahitin ang kilay nito, natuwa pa rin ang mga netizen dahil kahit ayaw nito ay ginawa pa rin ni Vice ang parusa para mapasaya silang madlang people.

Saad pa nga ng ilan sa mga netizen,

“Gogogogogogo Ate Vice! Mahal na mahal ka namin kahit wala ka nang kilay!”

“Labyu ma @vicegandako. With or without kilay, maganda ka pa din.”

“We love you meme Vice kahit isa lang kilay mo. Good sport for the madlang people.”

“Omg! Inahit nya tlaga kilay nya. So much love and respect to Meme Vice for her dedication to It’s Showtime and the Madlang Pipol.”

Maliban dito, mayroon pang isang parusa na ginawa si Vice matapos na naman nitong magkamali sa laro. Sa kanyang ikalawang parusa, kailangang tawagan ni Vice ang ABS-CBN executive na si Ma’am Charo Santos-Concio.

Ayon sa mga host na sina Jhong, dapat daw ay mabentahan ni Vice ng halaman si ma’am Charo. Kapag hindi nito nabentahan si Ma’am Charo, mayroong isa pang funsihment na nakaabang ulit kay Vice.

“Hello, Maam Charo. May kailangan po akong ibenta. Emergency lang po kailangan ko ng pera… Pinakiusap lang po sa akin itong halaman… Bonsai po na buko po. Nagtanim po sya ng Bonsai tapos tumubo po ng buko,” pangungumbinse pa nga ni Vice kay Ma’am Charo.

Kalaunan, ibinuking na rin ni Vice ang sarili kay Ma’am Charo at sinabing nasa It’s Showtime ito.

“Maam Charo, tatapatin ko na po kayo. Kasi may FUNishment po ako. ‘Pag di ko kayo nabentahan, may ipapagawa po sila sa akin,” ani pa ni Vice.


Ngunit, hindi pa rin nakumbinse ng host si Ma’am Charo na bilhin ang ibinebenta niyang halaman. Kaya naman, ang bagong parusa na kailangang gawin ni Vice ay magbigay ng ayuda sa isang maswerteng madlang people online.

Namigay ang host ng Php 110,000 lang naman na halaga ng pera bilang selebrasyon na rin ng ika-11 anibersaryo ng It’s Showtime.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment