Saturday, October 31, 2020

Bagong Larawan nina Janella at Markus na Magkasama, Pinag-usapan ng mga Netizen

Sa unang pagkakataon mula nang ianunsyo nila ang kanilang relasyon sa publiko ilang buwan na ang nakakaraan, nagbahagi ng larawan si Janella Salvador kung saan magkasama sila ng boyfriend niyang si Markus Patterson.

“A rainy autumn day with you,” caption pa rito ni Janella.

Gaya ng sabi nito sa caption, umuulan nang kinunan ang larawan ng dalawa na animo’y tumatakbo. Gaya ng nakasaad sa naturang Instagram post, kinunan ang naturang larawan sa UK kung saan, sinasabing naroon din ngayon kasama ni Janella ang kanyang mommy Jenine Desiderio at kanyang kapatid.

Ang larawan na ito ng dalawa ay lumabas matapos ang balita na nanganak na raw si Janella roon. Mula nang pumutok ang balita na nagbubuntis daw si Janella ay hindi niya ito kailanman kinumpirma o ng panig nito.

Ngunit, base na rin sa salaysay ng kanya raw malapit na kaibigan, buntis ito at nakatakdang manganak ngayong Oktubre. Sakto naman ang pahayag niyang ito dahil base mismo sa mga larawang ibinahagi ni Markus sa Instagram na agad din nitong binura kamakailan lang, nanganak na nga ang aktres sa kanilang panganay.

Kaya naman, hindi naiwasan ng ilang mga netizen na magkomento sa bagong larawan na ito nina Janella at Markus nang mayroong kaugnayan sa panganganak daw ng aktres. 

Ani ng nga ito, mukhang nanganak na raw talaga si Janella dahil muli na itong nakapagbahagi ng bagong larawan na hindi lamang mukha ang kita. Biro pa nga ng ilan tungkol sa larawan, mag-ingat daw sa ulan ang aktres lalo na’t kakapanganak pa lamang nito.

Saad pa nga ng ilan tungkol dito,

“Ambilis naman, Janella! Sana all nakakagala na agad pagkapanganak hahaha.”

“Mabinat ka sis payong2 din ‘pag may time.”

“TAKBO NA UWI NA SA BAHAY UMIIYAK NA SI BABY.”

“Janella, wag kang paambon. Mabibinat ka niyan.”

“Ahh, ingat kayo lagi lalo na ikaw Janella. Bawal maulanan hehe.”

Matapos ng larawan na ito ay isa na namang IG story ni Markus ang kumuha sa atensyon ng mga netizen. Sa naturang IG story, ayon sa mga netizen ay mayroon daw aksidenteng nahagip si Markus na anuma’y damit ng isang sanggol o onesies.

Hinala ng mga ito, ang naturang damit ay sa anak daw nina Janella at Markus. Kaya naman, ani ng mga netizen, talagang kumpirmado na raw umano ang panganganak ni Janella kahit hindi ito kinukumpirma ng dalawa.

Heto naman ang ilan sa mga komento ng nga netizen tungkol sa nahagip na ito sa IG story ni Markus:

“Ano yan… onesies?”

“Nahuli na naman si balbon.”

“Damit ni baby. Overall ata yan.”

“Onsie po yata. Kita ko lang sa IG story ni Markus nung nakaraan.”

Sa kabila ng patuloy na pakiki-intriga ng publiko tungkol sa umano’y pagbubuntis at panganganak ni Janella, marami naman sa mga ito ang masaya para sa aktres kung talaga ngang totoo ang mga balitang ito sa kanya.

Ani ng mga ito, ang importante naman daw ay ang malaman nila na masaya ngayon si Janella at nasa maayos itong kalagayan kasama ang mga mahal niya sa buhay.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment