Wednesday, November 11, 2020

Angelica Panganiban, May Bago na nga Bang Pag-ibig Base sa Mensahe Rito ni Glaiza de Castro?


Sa pagdriwang ni Angelica Panganiban ng kanyang kaarawan ngayong taon, isang surpresa ang handog sa kanya ng kanyang online show na ‘Ask Angelica’.

Dito, hindi inaasahan ni Angelica ang nakahandang mga pagbati para sa kanya mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Inakala nito na simpleng tanungan lamang ang magaganap sa ika-pitong episode ng kanyang programa ngunit, espesyal na mga tao pala ang kanyang makakausap dito.

Ilan sa mga kaibigan ni Angelica na nagpaabot ng kanilang mensahe at pagbati sa aktres ay sina Anne Curtis, Dingdong Dantes, JC Santos, Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Piolo Pascual.

Kabilang din sa mga bumati rito ay ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na kilalang malapit na kaibigan ni Angelica. Ngunit, hindi lamang ordinaryong mensahe ang handog na ito ni Glaiza sa kaibigan dahil mukhang mayroon itong iniwang pahiwatig tungkol sa bagong pag-ibig na mayroon ngayon si Angge.

“Maraming maraming salamat sa patuloy mong pagke-care mo sa'kin… at ngayon, 'di ka na mahihirapan dahil may nagke-care na sa'yo. Basta! Iyon na ‘yun,” makahulugang ani pa rito ni Glaiza.

“Masaya ko para sa’yo, amiga. Mahal kita. Sana matupad lahat ng mga hinihiling mo this year. Happy birthday, amiga!” dagdag pa nito.

Dahilan naman ito para isipin ng ilan na baka mayroon nang muling nagpapasaya sa puso ni Angelica. Masaya naman ang mga tagasuporta ng aktres para rito dahil nais lamang nila ang kasiyahan ni Angelica.

Magkaiba man ng kinabibilangang TV network, sina Angelica at Glaiza ay mayroong matatag na pagkakaibigan ang mga ito na nasa mahigit 15 taon na. Unang naging magkaibigan ang dalawa noong 2002 nang magkasama sila sa youth-oriented show na ‘Berks’.


Mula dito ay nagtuloy-tuloy na ang kanilang pagkakaibigan na hindi nawala kahit sa pagkakaroon nila ng magkatapat na TV network. Ang pagkakibigan na ito nina Glaiza at Angelica ang patunay na pwedeng magkaroon ng totoong kaibigan sa showbiz kahit na hindi kayo mula sa iisang management.

Ani pa nga ni Angelica tungkol sa pagkakaibigan nilang ito ni Glaiza,

“Ang powerful niya kasi makikita ng ibang generations na, ‘Pwede pala ako makipag-kaibigan sa ibang artista. Hindi ko pala dapat isarado ‘yung mundo ko dito’ kasi iisa lang tayo eh. Lahat tayo artista. Hindi natin pwedeng lagyan ng bakod mga sarili natin, ‘yung ‘Ay! Taga-ibang network ‘yan. Wag na lang.’ Lahat tayo artista, lahat tayo isa lang ang goal sa buhay.”

Para naman kay Glaiza, ang pagiging nandyan nila para sa isa’t-isa kahit magkaiba na sila ng kinabibilangang TV network ang isa sa mga dahilan kung bakit naging matatag ang kanilang pagkakaibigan ni Angge.

“Siguro dahil talagang kahit na tapos na ‘yung contract ko sa ABS-CBN before, o tapos na ‘yung show namin, we make it a point na nagkikita-kita pa rin kami outside work… 


“So, na-maintain namin ‘yon dahil may effort ‘yung bawat isa na, let’s say sa mahahalagang chapters ng buhay namin, like ‘yung birthdays, o hindi lang ‘yon, kapag nararamdaman namin na, ‘A, kailangan kaming kausapin nito. Kailangan ng kausap nito,’ nandu’n kami para sa isa’t-isa,” ani pa nito.

Source: kami


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment