Thursday, November 12, 2020

Babae, Nagsampa ng R4p3 Dahil Nais Turuan ng Leksyon ang Lalaking ‘Tumanggi’ raw Dito


“PWEDE PO PALA KASUHAN NG RAP3 ANG ISANG TAO DAHIL HINDI KA GINALAW AT NA-INSULTO KA LANG???”

Ito ang nalilitong katanungan ng isang netizen matapos makulong ang kanyang kaibigan dahil sa kasalanang hindi naman daw nito ginawa. Ayon sa naturang netizen, ipinakulong daw ang kanyang kaibigan ng isang babaeng nakasama nitong mag-check in sa isang lodging house.

Wala daw nangyari sa dalawa na siya umanong ikinagalit ng nasabing babae. Base sa kanyang kwento, pagkapasok daw nila sa kwarto ay agad naghubad ng t-shirt ang lalaki ngunit, natulog lamang daw ito.

Ikinasama raw ng loob ng babae ang ginawang pagtulog lamang ng lalaki sa kanilang kwarto. Kaya naman, upang maturuan daw ng leksyon ang lalaking tinulugan lamang siya ay nagwala ito sa lodging house at ipinadampot sa pulis ang kasamang lalaki.

Matapos nito ay sinampahan niya ito ng kasong ‘rap3’ kahit wala naman itong ginawa sa kanya.

Ayon sa kaibigan ng lalaking ipinakulong ng nasabing babae, umamin mismo sa kanya ang huli na walang ginawa rito ang kanyang kaibigan ngunit, nainsulto umano ito nang walang mangyari sa kanila at tinulugan lamang siya nito sa lodging house.

Base ito sa huling pag-uusap nila sa messenger ng nasabing babae kung saan, kinompronta niya ito sa nangyari sa kanyang kaibigan. Dito, sinabi ng babae na huwag daw nitong ipagkalat ang katotohanan na wala naman daw nangyari sa kanila ngunit, dahil walang ngang nangyari sa kanila ay ipanadampot niya ang lalaki sa kapulisan.



“Ayaw isaba pads. Wala man ko niya hilabti. Pero kamenos siya sa akoa ba. Gago ng friend nimo pads. Magpamedico ko para klaro. Dapat matagam siya oi,” ani pa rito ng babae.

[Huwag mong ipagsabi pads. Hindi niya ako ginalaw. Nakakainsulto lang sa’kin. Gago ‘yang friend mo pads. Magpapamedico ako para maging klaro. Dapat na magsisi siya.]

Maging ang roomboy daw ng lodging house ay saksi daw na maayos naman ang pagchecheck-in doon ng dalawa. Mahigpit pa nga raw ang yakap ng babae kay lalaki habang papasok ang mga ito sa kwarto.

Ayon sa netizen, maliban sa marahil ay hindi nito nagustuhan ang ginawang pagtanggi sa kanya ng kanyang kaibigan, baka isa rin daw sa ikinagalit nito ay dahil ang babae rin daw kasi ang nagabayad ng kanilang kwarto.

“AYAN PO ANG CONVO NAMIN NG BABAE YANG NAKA SCREENSHOT, SABI NIYA SAKIN NA "WAG RAW AKO MAINGAY, HINDI NAMAN RAW SIYA GINALAW NG LALAKI, ANG SA KANYA LANG NA INSULTO RAW SIYA NITO. NAIS LANG DAW NIYA TURUAN NG LEKSYON UNG LALAKI… 

“HINDI KO ALAM KONG SAN SIYA NA INSULTO? DAHIL BA TINULUGAN SIYA NG LALAKI OR DI KAYA DAHIL SIYA PA ANG NAGBAYAD NG PANG LODGE NILA. SI BABAE KASI NAGBAYAD NG LODGE,” ani pa ng netizen.


Nais ngayon ng mga ito na umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sitwasyon dahil hindi raw sila pinakikinggan lalong-lalo na ng women’s desk ng kapulisan. Dahil nga raw iginigiit sa mga ito ng babae na mayroong naganap na rap3, hindi nila pinakikinggan ang kanilang panig.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment