Sa isang ulat na ibinahagi kamakailn lang ng pep.ph, inamin ng aktres na si Ara Mina kung ano ang estado ng relasyon nito ngayon kay Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary na si Dave Almarinez.
Ayon sa aktres, nasa ‘dating stage’ pa lamang sila ngayon ng manliligaw kahit nasa dalawang taon na ang kanilang pagkakakilala. Alam naman daw kasi ni Dave kung ano ang prayoridad ngayon ng aktres at iyon ay ang kanyang anak.
“Siguro sa two years kaming magkakilala, bilang na bilang ko lang sa daliri ko yung lumabas kami para mag-dinner o masabi talagang nag-date.
“He knows naman kasi kung ano priority ko, daughter ko, work, and yung business ko. And it is taking too much of my time, and naiintindihan niya yun totally,” ani pa ni Ara.
Hindi rin naman daw kasi nagmamadali ang aktres na magkaroon muli ng karelasyon. Si Ara ay hiwalay sa dati nitong karelasyon na si Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses. Mayroon silang isang anak ni Ara.
Si Dave naman ay hiwalay din sa dati nitong fiance na si Rina Navarro na dating miyembro ng Cinema Evaluation Board. Gaya ni ara ay mayroon na ring anak sa dating karelasyon si Dave.
“Hindi sa nag-iinarte ako at feeling dalaga. Pero kahit hindi na ako bata, hindi ako nagmamadali magka-boyfriend. Ganyan siguro pag may anak ka naman at maraming ginagawa,” pagbabahagi pa ni Ara.
Ayon kay Mina, nagustuhan niya umano si Dave dahil ito ay ‘masipag na tao, mabait, simple, at higit sa lahat, napakatiyagang tao’.
Bagama’t dating pa rin ang kanilang status ay mayroon naman daw pag-asa na ito na ang kanyang tuluyang makakatuluyan at makakasama habang buhay. Bilib din daw kasi ito sa pagiging pursigido ng manliligaw.
“Well, ang masasabi ko lang, pag may tiyaga, may nilaga hahaha! Ikaw ba naman magtiyaga ng two years at pursigido ka pa rin. Dalaga ba ako? Hindi naman, di ba?
“Kasi sa totoo lang, yung ibang nanligaw o nagparamdam, after ilang months nawala na parang bula hahaha! Kasi nga busy kasi ako so deadma na rin sila. So, walang tiyaga in short. Period,” ani pa ulit nito.
Para kay Ara, wala naman itong nakikitang mali kung sakaling pumasok nga siya sa isa na namang relasyon. Sa loob ng mahigit sa anim na taon, naging single ang 41 taong gulang na aktres kaya wala itong nakikitang masam kung muli itong iibig.
Kaya naman, hindi malabo na mas yayabong pa ang relasyon na si 46 taong gulang na PITC Undersecretary. Ani pa ni Ara, kaya raw ito nag-iingat at ‘dating’ pa rin ang estado ng relasyon nila ni Dave ay dahil gusto niyang maging partner niya na sa buhay ang susunod na tuluyang makakarelasyon.
“I think walang masama mag-entertain ako. I’m single and he’s single. Let’s see kung saan tutungo ito. I just want to be careful this time. Kasi I told myself na yung magiging next relationship ko, gusto ko yun na ang magiging partner in life ko or magiging GOD’S BEST ko,” pahayag pa ni Ara.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment