Sinubok man ng pandemya, hindi nagpatalo sa panahon ang baker na ito mula Cebu sa paghasa sa kanyang talento sa pagluluto at pagdidisenyo ng tinapay.
Trending ang mga gawang disenyo ng Cebuano baker na si Marlo Pimentel Lidot kung saan, kuhang-kuha nito ang mga imahe ng iba’t-ubang tao o personalidad sa kanyang mga gawang artisan bread.
Isa sa pinakuli at pinakanaging trending niyang gawa ay ang mga artisan bread na mayroong imahe ni Jesus Christ at Mama Mary. Ayon kay Marlo, ginawa niya umano ito upang ipaalala sa mga tao ang kahalagahan ng pagdarasal at pagkapit sa Panginoon ngayong panahon na mayroong maraming pagsubok.
Partikular niya itong ginawa para sa mga nabiktima ng bagyong Quinta na sumalanta sa maraming mga lugar sa bansa.
“I-dedicate ko po ito sa mga naapektuhan ng bagyong Quinta at magiging matatag pa ang kanilang pananampalataya, lalo na sa darating na Undas,” ani pa ni Marlo tungkol dito.
Ilan pa sa mga viral na gawang artisan bread ni Marlo ay ang mga artisan bread na isinunod niya sa imahe nina Manny Pacquiao, Taylor Swift, Kobe Bryant, at iba pa.
Ang mga gawang ito ni Marlo ay makikita sa kanyang Facebook page na Artisan Bread Basket Online Store na kamakailan niya lamang din sinimulan.
Bago ito, si Marlo ay isang empleyado sa isang sikat na hotel sa Cebu bilang baker. Ngunit, dahil sa isang offer sana dito na mangibang bansa, iniwan ni Marlo ang naturang trabaho. Iyon nga lang, dahil sa pandemya ay hindi natuloy ang planong ito ng baker na mag-abroad.
“I was part of the pre-opening team and the only baker in One Central Hotel. It's a 3-star hotel in Cebu City and I worked there for two years and three months… Our head chef Gary Reyes gave me the opportunity to experiment and create my own artisan bread designs and that's how I discovered that I had the skill for it.
“My first-ever artisan bread design featured our beloved President Duterte,” kwento pa ni Marlo rito sa isang panayam sa kanya ng GMA.
Ngunit, kahit nahinto ang kanyang pangarap na mangibang bansa ay mas pinili ni Marlo na gawing mas makabuluhan ang kanyang oras. Ginamit niya ito sa paghasa ng kanyang nadiskubreng talento sa paggawa ng mga artisan bread sa iba’t-ibang mga disenyo.
Hanggang sa tuluyan na ngang binuksan ni Marlo ang kanyang sariling negosyo, ang Artisan Bread Basket Online Store kung saan, makikita ang kanyang mga disenyo na pwedeng ipagawa at orderin sa kanya.
Kaya naman, nahinto man ang ilan sa kanyang mga plano at pangarap, masaya pa rin at nagpapasalamat ang baker dahil mas nahasa pa nito ang kanyang talento at nalagpasan niya rin ang kinaharap na pagsubok nitong pandemya.
“This year is a blessed year for me despite the pandemic… This difficult period has taught me to be open-minded and find ways to survive the crisis. It helped me become more confident and motivated through developing my baking skills.
“My message for my co-bakers is don't give up… It is through this trying time that we can improve our skills and our passion will serve as our strength to get through this. We can survive as one. Soon, we will achieve our goals in life,” ani pa ulit ni Marlo.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment