Bumungad sa social media nitong Huwebes ang larawan ng mag residenteng humihingi ng tulong matapos ma-stranded ang mga ito sa bubongan ng kanilang mga bahay o sa mga matataas na lugar upang makaligtas sa baha.
Lubog sa malawak na baha ang maraming mga lugar sa Luzon partikulara na sa Metro Manila. Dahil dito kaya puspusan ang ginawang rescue operations ng mga awtoridad at lokal na pamahalaan.
Ngunit, sa taas ng baha at sa dami ng mga kinailangang i-rescue ay marami pa rin ang trap sa baha at nangangailangan ng tulong. Kaya naman, tumulong na sa mga rescue operations na ito ang vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Sa Facebook, inihayag ni Donnalyn ang kanyang pagtulong kung saan, naghanap ito ng mga pwede pang tumulong sa mga rescue operations sa Marikina at Rizal. Kahit kasi puspusan na ang ginagawang operasyon nito ay nangangailangn pa rin sila ng karagdagang tulong para masagip ang iba pa.
Ayon kay Donnalyn, bumili ito ng mga bangkang gagamitin sa rescue operation upang mapadali ang pagsagip sa mga nangangailangan ng tulong na hanggang ngayon ay hindi pa napupuntahan.
“MARIKINA and RIZAL residents sino ang gusto magvolunteer for rescue? Marunong magsagwan at lumangoy, kahit magbayad ako. I’m buying boats na so let me know asap! Need na ng help ng barangays dahil lagi na busy ang lines nila. God help those who need you please please,” ani pa rito ni Donnalyn.
Agad naman na tumugon sa panawagang ito ni Donnalyn ang mga tao mula sa naturang lugar at agad na kompleto ang grupo para sa rescue operations. Agad din na inihatid sa Marikina at Rizal ang mag binili niyang bangka para sa gagawing rescue operations.
“We got big boats in a truck on the way to Rizal and Marikina… Rescuers are complete. Marikina* resident rescuers for Marikina* and Rizal Chairman will lead rescue for Rizal. They’ll just send proof of proper use ng boats solely for rescuing people and animals.
“THANK YOU for helping me find rescuers. I don’t know anyone from the areas affected so I really needed it. Rest your hearts, we’ll get through this,” saad pa ulit ni Donnalyn.
Dahil sa kabutihang ito ni Donnalyn kaya marami ang nagpaabot dito ng pasasalamat lalo na ang mga taong galing sa lugar na pinadalhan niya ng mga bangka para sa rescue operations. Umani ito ng mga papuri dahil sa kabutihan na ipinamalas niya at sa pag-aabot ng tulong para makaligtas ng marami pang tao.
Ani pa nga sa Facebook post ng isang taga-Montalban, Rizal, ipinaabot nito ang pasasalamat sa vlogger na siyang dahilan kung bakit mayroon na silang magagamit na bangka at masisimulan na nila ang kanilang rescue operations. Saad nito,
“THANK YOU ATE Donnalyn Bartolome FOR HELPING US MONTALBEÑOS ESPECIALLY TO Christine Bartolome Dicdiquin AND SA AKING CHAIRMAN Marlo Cruz Lentijas… MGA TAGA MONTALBAN MAY MAGAGAMIT AT MAKAKAPAG RESCUE NA TAYO !!!!
“MARAMING SALAMAT ATE Donnalyn Bartolome. God bless you and your family all the more [for] helping and rescue for the victims of typhoon ULYSSES.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment