Sunday, November 15, 2020

Rudy Baldwin, May Babala na 5 Bagong Pangitain na Mangyayari at Gigimbal daw sa Lahat


Dahil sa magkasunod-sunod ng mga sakuna at hindi magagandang pangyayari na nangyayari ngayon sa mundo lalong-lalo na sa Pilipinas, hiling na lamang ng marami na matapos na ang lahat ng mga ito at maibalik na sa normal ang lahat.

Ngunit, hindi ganito ang nakikitang pangitain ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin. Para rito, kailangan pang maghanda ng marami dahil mayroon pang paparating na mas malala at nakakagulat na mga pangyayari at sakuna.

Sa isang panayam dito, mayroong ibinigay na babala ang psychic tungkol sa mga pangyayaring ito na kanyang nakikita sa kanyang pangitain. Ayon kay Baldwin, mayroon daw itong nakikitang limang sitwasyon na mangyayari.

Heto ang limang pangitain o prediskyon na nakikita raw ni Baldwin na mangyayari:

Una, isang ASEAN lider daw ang biglaang papanaw. “Nasawi siya mismo kung saan siya nakatayo.”

Pangalawa, may mangyayari raw na malaking trahedya sa dagat. “Malaking barko na kung saan, maraming taong nakasakay ang mamamatay.”

Pangatlo, magluluksa umano ang industriya ng showbiz dahil sa pagpanaw ng tatlong artista. “Ang unang artista ay isang legend. Namamayagpag pa rin siya ngayon; sa modeling, comercials, movie. Pero mayroon siyang political side.”

Pang-apat, mayroon daw mangyayaring mas malakas na pagsabog sa bulkang Taal. “Lumalabas talaga ‘yung apoy sa bunganga.”

Pang-lima, mayroon pang darating at mangyayari na mas malalang paghagupit ng kalikasan. “Hgit pa tayong makakaranas ng matinding kalamidad.”


Bago ito, ilang beses nang nagkatotoo ang mga hula o prediksyon ni Baldwin na inihahayag nito sa kanyang Facebook page. Ilan sa mga pangyayaring nahulaan nito ay ang pagpanaw dati ng sikat na vlogger na si Lloyd Cadena.

Maliban dito, nagkatotoo rin ang pangitain ni Baldwin tungkol sa nangyaring aksidente kay Kobe Bryant at maging ang naganap na pagsabog ng bulkang Taal.

Gayunpaman, ang matibay na pananalig at pagdarasal sa Panginoon pa rin ang pinaka makapangyarihan sa lahat kaya naman, upang maiwasan ang mga sakunang ito ay pagtibayin lamang ang pananalampalataya.

Sa kasalukuyan, sunod-sunod ang mga sakuna na dumarating sa Pilipinas. Pinakahuli ay ang nangyayari ngayong pagkalubog sa baha ng mga lugar sa Isabela, Cagayan Valley, at Tuguegarao City. Ito ay dahil sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam dahil sa kritikal na nitong estado.

Ang pagbaha sa mga lugar na ito ay labis na nakababahala dahil, pahirapan ang pagpasok ng mga rescuers sa mga ito kaya naman, marami ang umano’y hindi na nakayanan at tuluyan nng nalunod. Nagmukhang karagatan ang mga lugar na ito at halos bubongan na lamang ng ilang mga bahay ang nakikita.

Ngayon naman, mayroon na ring mga ulat na maging ang Pampangga ay nalulubog na rin umano sa baha bunsod ng pagbaba rito ng tubig mula sa kabundukan. Bago ang mga ito, ang ka-Maynilaan ay nilubog din ng lagpas taong baha dahil sa pananalasa ni bagyong Ulysses.

Nalubog sa baha ang mga lugar sa Pasig, Marikina, Rizal at mga karatig pang lugar. Isa ring malaking dahilan ng mga pagbahang ito ay dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina River.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment