Dahil sa pananalasa at malakas na hagupit ni Supertyphoon Rolly ay nagsilikas ang mga residenteng apektado ng dala nitong baha bunsod ng malakas na hangin at ulan.
Isa ang bayan ng Albay sa pinaka nasalanta ng bagyo matapos na dumaan at maglandfall dito si Supertyphoon Rolly. Itinaas dito ng PAGASA ang typhoon signal no. 5 na nagdulot ng pag-apaw ng mga ilog, matinding pagbaha, at pagkasira ng mga bahay, tulay, dike, at ilan pang mga establisyemento.
Lubog ngayon sa baha at lahar ang karamihan sa mga bayan doon at karamihan sa mga kalsada ay hindi pa rin pwedeng daanan. Patuloy din ang mga paglikas at rescue operations ng mga lokal na pamahalaan sa mga residente.
Kasabay ng pagbabahagi ng mga larawan ng pinsala ng bagyo sa Albay at ng mga taong lumikas, ilang nga kuhang larawan ang nagpaantig sa mga netizens kung saan, hindi lamang mga tao ang pilit na inire-rescue kundi pati na rin ang kanilang mga alagang hayop.
Sa mga larawang ibinahagi ni Vince Villar, makikita ang ilang mga residente na sinalanta ng bagyo ngunit, bitbit ng mga ito ang kanilang mga mahal na alaga. Kahit hirap sa pagtawid at pag-eevacutae dahil sa nasalantang kapaligiran, kasa-kasama ng mga ito ang kanilang mga alaga sa kanilang paglikas.
Sa gitna ng baha, karga-karga ng mga ito ang kanilang mga alagang aso. Mayroon pa ngang isang larawan kung saan bitbit ng isang lalaki ang kanyang alagang manok. Ani sa Facebook post na ito ni Villar, napakaswerte ng naturang mga hayop dahil mahal at pinahahalagahan sila ng kanilang mga amo at ang kanilang kaligtasan.
Maraming mga netizen ang naantig sa mga larawang ito lalong lalo na ang mga animal or pet lovers. Saludo ang mga ito dahil kahit sa gitna ng kalamidad ay hindi iniwan ng mga ito ang kanilang mga alaga.
Ani ng mga ito, kung tao lamang din daw ang naturang mga hayop ay siguradong papasalamatan nila ang mga among mayroong malaking malasakit sa kanila at dala-dala pa rin sila kahit sa gitna ng isang malaking kalamidad.
Heto ang ilan sa naging komento ng mga netizen tungkol sa mga larawang ito:
“Ganyan ang malasakit sa alaga. Kahit anong kalamidad, laging di naiiwan ang mga alaga.”
“Salute po sa inyo. Hindi niyo iniwan mga alaga niyo.”
“God bless sa mga among gan’yan ‘yung mga utak. Hindi tulad nung iba na pinabayaan nalang tsk.”
Sa kabila ng pagsubok na pinagdaraaan, magandang makakita ng ganitong pangyayari kung saan, naipapakita pa rin ang pagmamalasakit ng bawat isa hindi lamang sa kapwa tao kundi pati na rin sa mga alagang hayop.
Bagama’t katamtaman nang humupa ang epekto ng bagyo sa Albay, hindi pa rin madaanan at mapuntahan ang ilan sa mga lugar doon ngunit, patuloy ang operasyon ng kanilang mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, ayon sa pinakahuling ulat ay mayroong apat na naitalang nasawi doon dulot ng pananalasa ni Supertypoon Rolly. Linggo ng umaga nang maglandfall sa Albay ang bagyo kung saan, isa sa mga grabeng epekto nito ay ang mataas at rumaragasang baha.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment