Tuesday, November 17, 2020

Billy Crawford at Bayani Agbayani, Muntik nang Mags4pakan sa Taping ng Laugh Out Loud


Bago maipalabas ang buong video ng ginawang prank ng mga hosts ng noontime show ng TV5 na Laugh Out Loud, nawindang ang social media sa balitang muntik daw na magkasuntukan ang mga host na sina Billy Crawford at Bayani Agbayani sa taping ng show.

Ito ay matapos kumalat online ang video ng umano’y away ng dalawa kung saan, makikita na halos magwala na si Bayani. Sa naturang video ay kamuntikan nang magsapakan ang dalawa kung hindi lamang ito pinigilan ng mga staff ng programa na nagulat din sa away ng dalawang host.

Sa naturang video, makikita na habang mayroong binabasa si Billy sa kanyang cellphone ay nilapitan ito ni Bayani at tinabig ang kanyang balikat.

“Tama na! Nagagalit na nga ang misis ko sa ‘yo, eh,” animo’y nagagalit nang pahayag dito ni Bayani na agad bumaba nang entablado.

Matapos nito, maririnig ang pagbagsak o pagkalabog ng mic na hawak ni Bayani. Animo’y nagwa-walkout ang komedyante sa show at pilit pinapakalma ng mga staff.

Kahit nasa baba ng entablado ay panay pa rin ang pagtalak ni Bayani paharap sa mga host ngunit, hindi maririnig ang mga sinasabi nito dahil hindi na siya nakahawak sa mic. Ganun din si Billy sa entablado na patuloy din ang pagkausap kay Bayani na animo’y naghahamunan.

Natahimik naman ang ibang mga host ng programa na sina Alex Gonzaga, Macoy, Valerie Concepcion, Ariel Rivera, at Jeff Tam dahil sa eksenang ito ng dalawa. Sina Wacky Kiray at KC Montero ay makikita naman na pumapagitna sa dalawa at pinapakalma ang mga ito.


Hanggang sa sumugod na nga ulit sa entablado si Bayani at animo’y susuntukin na si Billy. Dito ay naalarma na ang mga staff ng program at pumagitna sa muntik nang pagsusuntukan ng dalawa. Maliban sa mga staff ay may ilang marshall na rin na nakaabang sa animo’y pagsusuntukan ng dalawa.

Matapos nito ay bigla na lamang natawa si Bayani at inanunsyong prank lamang ang kanilang ginawa ni Billy. Ayon sa komedyante, para raw ito kina Valerie at Macoy na siyang biktima ng ginawa nilang prank.

“Eh dahil kasi na-Lol-call ka Valerie! Teka lang! Mas na-Lol-call ka Macoy!” natatawang pag-anunsyo pa nga ni Billy.

Kita naman ang pagkawala ng pagkabahala sa mukha ng dalawang biktima ng prank na kinabahan at inakala talagang totoo ang nangyayaring away nina Billy at Bayani. Tawa naman ng tawa ang ibang mga host ng programa dahil mga kasabwat din pala sila ng ginawang prank para kina Valerie at Macoy.

“Ganyan kami dito. Naglo-Lol-call lang po kami! Wala lang ‘yun. Walang away-away dito. Dahil dito, talagang walang pikon. Kasi ang pikon, talo! Joke joke lang ‘to. Nagpapagaan lang kami ng tanghalian niyo,” dagdag ani pa nga ni Billy.



Kaya naman, ang inakala ng lahat sa social media na pag-aaway at muntikan nang pagsusuntukan umano nina Billy at Bayani sa taping ng Laugh Out Loud ay walang katotohanan dahil, prank o biruan lamang ito ng mga host para mas mapasaya ang kanilang mga manonood.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment