Tuesday, November 17, 2020

Lea Salonga, Dismayado sa Paglalarawan ng Isang Module Tungkol sa Pagkakaroon ng Tattoo


Dismayado na naman ang maraming mga netizen at publiko dahil sa isa na namang kontrobersyal na nakasaad sa pahina ng isang DepEd learning module para sa mga mag-aaral. Sa pagkakataong ito, tungkol naman sa isang maling paglalarawan sa mga taong mayroong tattoo ang pinuna ng publiko.

Sa naturang module, itinatanong nito kung ano raw ang sinisimbolo ng isang tattoo. Dito, mayroong inilagay na apat na pagpipilian: pagiging kriminal, pagkaalipin, kagitingan at kagandahan, o pagiging mababa ng katayuan sa lipunan.

Hindi nagustuhan ng marami ang ibinigay na sagot dito ng gumawa ng module dahil, nakasaad lang naman sa tamang sagot daw para rito na ‘pagiging kriminal’ ang sinisimbolo ng tattoo. 

Kaya naman, hindi na naman nakalagpas sa mga netizen ang diskriminasyon na ito ng DepEd o ng gumawa ng module sa mga taong may tattoo. Sa katunayan, ang tanyag na si Lea Salonga mismo ay hindi napigilan ang pagkadismaya tungkol dito at inihayag sa social media ang kanyang hindi makapaniwalang reaksyon.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ni Lea ang larawan ng naturang kontrobersyal na pahina ng module. Saad pa nga nito,

“Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd. And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???


“According to the DepEd answer key, letter A is the correct answer. (For the love of God...) I am THISCLOSE to getting a tattoo, if only to prove a point.”

Dagdag pa ni Lea, nais niya raw makita ang buong pahina ng naturang module dahil, kahit na nakakadismaya ang pananaw na ito ng DepEd sa mga taong mayroong tattoo, nais niya pa ring maintindihan ang ‘context’ ng nakasaad dito.

Gaya ni Lea ay kanya-kanya ring labas ng kanilang opinyon ang mga netizen lalong lalo na ang mga mayroong tattoo na tinawag lang naman na kriminal ayon sa module. Ani ng mga ito, nakakadismaya kung paano pinahintulutan ng DepEd ang ganitong konteksto gayong nakasaad mismo sa kasaysayan na ang tattoo ay simbolo ng kagitingan ng mga mandirigma sa nakaraan.

Maliban dito ay isa ring paraan o form of art ang tattoo sa pagpapahayag ng kanilang mga sarili. Hindi ito simbolo ng pagiging kriminal na siya naman maling konotasyon na inilalabas sa maraming mga palabas.

Komento pa nga tungkol dito ng ilang mga netizen:

“Hopefully this was taken out of context because if it isn’t....”

“I believe that the best thing depEd should do is review everything since many things have to be revised Did you see their example of obese is a legitimate person?”

“Sadly, I’m not surprised anymore.”


“Pwede din namang simbolo ng pag-ibig ang tattoo. O pag-asa. Asawa ko meron so gag0 gumawa nito.”

“These "educators" need to be educated! tsk, tsk.”

Maliban sa kontrobersyal na module na ito, isa pang pahina din ng module kamakailan lang ang umani ng kabi-kabilang pamababatikos matapos nitong tawaging ‘obese person’ ang aktres na si Angel Locsin at ginawang halimbawa ng isang taong wala raw pisikal na ginagawa.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment