Bagama’t hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang aktor na si Derek Ramsay tungkol sa tunay na estado ngayon ng relasyon nila ni Andrea Torres, hindi naman nito pinapalagpas ang mga pambabatikos sa kanya ng mga netizen sa kanyang huling Instagram post na ibinahagi.
Ito ay matapos lumabas ang isyu na hiwalay na ang dalawa matapos na burahin nilang pareho ang kanilang mga larawan na magkasama sa kanya-kanya nilang Instagram accounts. Lumalabas din na in-unfollow na raw ni Andrea si Derek matapos nitong burahin ang kanilang mga larawan. Mayroon ding ilang nagsasabi na maging si Derek ay in-unfollow na rin ang aktres.
Dahil sa isyung ito kaya nakatanggap ng negatibong mga pahayag si Derek mula sa mga netizen. Mababasa ang mga ito sa pinkahuling IG post na kanyang ibinahagi. Dito, makikita ang mga paninisi sa kanya ng mga netizen at dahilan daw ng kanilang hiwalayan.
Ngunit, hindi pinalagpas ni Derek ang mga negatibong komento na ito ng mga netizen lalong lalo na ang mga komentong masyadong nagiging mapanghusga at bastos.
Katulad na lamang ng isang netizen na mayroong sinabihang ‘tapos na raw tikman’ na tungkol sa isyu ng hiwalayan nina Derek at Andrea. Dito, sinagot ni Derek ang netizen at sinabihan itong ‘bastos’.
Isa pang netizen ang naghayag ng bellow the belt na paratang kay Derek na umano’y dahilan ng paghihiwalay daw nila ni Andrea. Ani nito, dati pa umano ay mayroon nang nagsasabi na hindi raw magtatagal ang dalawa.
“Hahahah! It was really true that you had-continued your real-s3x after taping with Andrea on your previous series then, later you both became couple because of such... How many months it lasted again your relationship? That's WHO YOU ARE already. It was so true when there was one comment on both of your pictures with Andrea before that it won't be forever or for long,” komento pa nga ng netizen.
Katulad nang nauna ay hindi rin ito pinalagpas ni Derek at pabalang niya itong sinagot. Ani pa rito ni Derek,
“you know me so well noh?”
Isang netizen din ang nag-iwan ng komento kung saan, isinaad nito na, “I think he's not into marriage.” Sarkastiko naman ang naging sagot dito ni Derek at isinaad na, “i think you are wrong.”
Mayroon ding isang netizen ang nagsaad na ang bawat nakakaloveteam daw ni Derek ay nakakarelasyon nito katulad ni Andrea na minsan nitong nakatambal. Kaya raw marahil naghiwalay ang dalawa ay dahil may bago na naman daw ka-loveteam ang aktor.
“hello mam there is no truth to what you are saying!!! Andrea is the only leading lady I had that became my gf,” ang naging sagot naman dito ni Derek.
Sa kabila ng mga pagsagot na ito ni Derek sa mga pahayag ng mga netizen ay hindi pa rin nito binibigyang linaw kung totoong hiwalay na ito at ang karelasyong si Andrea. Sa kabilang banda, maging ang aktres ay tikom pa rin sa isyung ito ng umano’y break-up nila ni Derek.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment