Dahil sa pandemya, maraming mga bagay ang napilitang itigil o ipagpahinga muna gaya ng trabaho o kabuhayan ng mga tao. Halimbawa ng mga ito ay ang mga artista na ipinagpaliban muna ang mga proyekto dahil sa pandemya at ipinatupad na lockdown.
Kaya naman, upang kahit papaano ay mayroong pagkaabalahan ay nagsimulang mag-vlog hindi lamang ang ordinaryong mga tao kundi pati na rin ang mga artista. Dito, naibabahagi ng mga artista ang kanilang buhay at iba pang bagay sa pamamagitan ng pagv-vlog. Maliban dito ay mayroon pa silang kinakitang pera.
Ngunit, iba ang Brazilian model at actor na si Fabio Ide dahil mas gusto nito na tutukan ang kanyang online business kaysa magsimula ng YouTube channel gaya ng ibang artista.
“Vlog? No, no. No YouTube channel. I was just at home, focusing sa online business ko,” saad pa ni Ide.
Dahil sa pandemya, karamihan ng mga negosyo ni Ide ay nagsara gaya na lamang ng Mexican bar nito sa Siargao na ‘Zicatela’ at hip hang-out na ‘The Palace PoolClub’ sa Bonifacio Global City. Sa kasalukuyan, isang negosyo lamang nito ang bukas kung saan, tumutulong ito sa paggawa ng delivery.
“Kasi puro restaurants, bars, clubs, until now, sarado lahat. Only iyong Japanese bar namin sa Poblacion, iyong Nomu. We're doing delivery now,” pagbabahagi pa nito.
Abala din ito ngayon sa kanyang online business na ‘Acai Vibe PH’ kung saan, nagbebenta ito ng espesyal na smoothie na galing mismo sa Brazil, ang Acai smoothie.
Maliban dito, nagpapasalamat din ang aktor dahil unti-unti ay bumabalik na siya sa kanyang trabaho sa telebisyon. Ayon kay Ide, nakatakda nang magsimula ang taping ng Seasin 2 ng ‘Ang Daigdig Ko’y ikaw’ sa Net 25. Makakasama niya rito ang aktres na si Meg Imperial.
“Super excited ako. Masaya, kasi after six months ng lockdown, di ba? Puro guesting lang ako 'tapos ano, nag-focus ako sa mga online business ko. 'Tapos, mostly, sa bahay lang...ngayon, uh, binigyan ako ng bagong opportunity ng Net 25, iyong Season 2 ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw.
“So ayon, excited talaga ako. 'Tsaka first time ko makatrabaho si Meg. So, really looking forward for the shooting. Wala pang date. Wala pang location. Pero malapit na po. So, ayon,” ani pa ni Ide.
Sa kabila ng hindi pa rin natatapos na pandemya, hindi naman daw masyadong nangangamba ang aktor at modelo. Pagbabahagi pa nito,
“Siyempre medyo natakot, di ba? Pero I was just doing everything, follow social distancing. I was just really, really trying to ano, lumabas. I did the swab test, limang beses na…
“kasi, bago ka pumunta sa ibang lugar kailangan ano, mag-swab test, 'tapos ano, bago magsisimula iyong mga guesting. So, limang beses na ginawa ko iyong swab test. Medyo ano, masakit sa ilong na. Grabe.”
Umaasa naman ito ngayon na tuloy-tuloy na ang kanyang mga proyekto sa telebisyon dahil aniya pa, ang pag-arte talaga ang kanyang pinakamahal at pinaka gustong gawin na trabaho.
“Yeah, sana ano, this is the first of many more blessings to come. Uh, sana itutuloy iyong mga works sa akin, and uh, I continue to do what I love most, which is ano, acting,” ani pa ulit nito.
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment