Wednesday, November 25, 2020

Claudine Barretto, Idenemanda si Raymart Santiago Matapos Hindi Tumupad sa Child Support


Idenemanda ng aktres na si Claudine Barretto ang dati nitong asawa na si Raymart Santiago matapos na hindi raw ito tumpad sa kanilang napagkasunduang child support para sa kanilang mga anak.

Naghain si Claudine ng mga kasong ‘economic abuse’ at paglabag sa ‘Violence Against Women and Children Act’ matapos na hindi umano tinupad ni Raymart ang napagkasunduang sustento nito sa kanilang dalawang anak ni Claudine.

Ayon sa mga ulat, nagkasundo umano ang mga ito na magbibigay si Raymart ng Php 100,000 kada buwan para sa sustento ng kanilang dalawang anak na sina Santino, 13, at Sabrina, 16. Ngunit, hindi umano ito nasusunod.

Ayon mismo ito sa legal council ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio. Saad pa nito, nagka-pirmahan na umano noon ang hiwalay na mag-asawa kung saan nakasaad na Php 100,000 ang ibibigay na sunstento buwan-buwan ni Raymart para sa kanilang anak.

Bagama’t kung tutuusin ay ‘insufficient’ pa umano ang naturang halaga, hindi pa rin umano ito nasunod ni Raymart kaya naman, nagdesisyon na ang aktres na maghain at sampahan ito ng kaso.

“Hindi nagbibigay ng sustento si Raymart. Ang tagal na! Nagbibigay siguro, 14 thousand a month, ganun. 'Tapos, wala na.”

"Before in court, meron na silang pinirmahan na 100 thousand a month—na pwede-pwede na rin, although insufficient pa rin. But even that, hindi natutupad, kaya we have to file a case against him,” ani pa nga ng abogadong ito ni Claudine.


Inihain ni Claudine ang mga reklamong ito para sa dating asawa sa Marikina City Prosecutor’s Office. Dahil dito kaya nakatakdang magharap sina Claudine at Raymart para sa hearing ng mga kasong isinampa sa huli sa darating na December 10. Inaasahan naman na maghahain ng counter-affidavit para rito ang aktor.

Gayunpaman, wala pang inilalabas na pahayag tungkol dito sa Raymart na nasa taping umano ngayon ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. 

Bukas naman umano para makipag-ayos kay Raymart ang kampo ni Claudine basta’t susundin lang nito ng maayos at tama ang napagkasunduang halaga ng sustento para sa kanilang mga anak na siyang naging ugat ng paghahain ng mga kasong ito ni Claudine.

Sina Raymart at Claudine ay hiwalay na mula pa noong 2013 ngunit hindi pa ganap na annuled ang kasal ng mga ito. Kaya naman, sa mata ng batas ay legal pa rin umanong mag-asawa ang mga ito sa kabila ng kanilang hiwalayan. 

Kung matatandaan, dalawang beses na ikinasal sina Claudine at Raymart. Unang ikinasal ang mga ito sa isang civil wedding sa Isabela noong Mayo ng 2004. Matapos nito ay nagkaroon naman sila ng isa pang kasalan sa Tagaytay noong Marso ng 2006.

Bago pakasalan ni Claudine si Raymart, matatandaang karelasyon noon ni Claudine ang namayapa nang aktor at loveteam nito na si Rico Yan. Ang kanilang tambalan at relasyon sa totoong buhay ang isa sa pinaka kinakiligan ng publiko noon at kahit hanggang ngayon.


Kamakailan lang, naibalita namang karelasyon ngayon ni Raymart ang aktres na si Jodi Sta. Maria matapos kumalat ang ilang mga sweet na larawan ng dalawa. Minsan umanong kinumpirma mismo ni Raymart na mayroon nga silang relasyon ni Jodi.

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment