Marami ang nag-alala sa aktres at nagbubuntis na si Iwa Moto nang magbahagi ito kamakailan lang ng kanyang duguang kamay sa Instagram. Ani pa rito ni Iwa, nagpapasalamat daw siya at safe ang kanyang baby.
“Lord, thank you po and safe si baby,” ani pa nito.
Kaya naman, matapos makatanggap ng mga mensahe kung saan, nagpahayag ang mga ito ng pag-aalala para sa kanya, ibinahagi ni Iwa na nagkaroon ito ng maliit na aksidente habang inaayos ang kanilang drone.
Hindi raw nito namalayan na baka mayroon itong napindot kaya natamaan ng propeller ang kanyang kamay. Pagkukwento pa nito,
“Was fixing the drone, and all of a sudden, it started taking off. And when I saw it destroying our stuff, I panicked and tried to grab it. Sadly, the propeller hit my hand… No, I wasn’t trying to make it fly. Maybe I pressed a button accidentally.”
Ayon kay Iwa, natakot umano ito para sa anak na ipinagbubuntis nang makakita ito ng maraming dugo mula sa kanyang kamay. Kaya naman, itinakbo agad ng aktres ang sarili sa ospital.
Sa kabila nito, nagpapasalamat si Iwa dahil safe at maayos naman umano ang kalagayan ng kanyang baby.
“There was so much blood so I panicked and started having contractions. I was so scared for my baby so I rushed myself to the hospital. Pampi then followed me (he was at our farm)
“I am just so grateful that I had no fracture and most importantly, my baby is safe,” saad pa ng aktres.
Bilang patunay na maayos na ang kondisyon ng kanyang ipinagbubuntis at para na rin sa mga taong nag-alala sa kanya ay nagbahagi pa si Iwa ng isang larawan ng sonogram ng kanilang anak. Caption niya pa rito,
“Baby waving at us during my ultrasound yesterday.. baby was assuring me he/she is fine.
“To the people who’s asking.. We still dont know the gender.. ayaw malaman ni pampi. Gusto nya daw surprise. So I decided to have a gender reveal pag malapit na ako manganak. Para di mabasag trip nya at trip ko… forgot to mention that my bestfriend @mochichay_go will kill me if I dont do a gender reveal.”
Dahil dito kaya napanatag na ang loob ng mga tagasuporta nito na nag-alala para sa kanya. Ang ipinagbubuntis ngayon ni Iwa ay ang kanyang pangalawang anak sa kanyang longtime partner na si Pampi Lacson. Ang panganay nila na si Hiromi Eve ay isinilang ni Iwa noong Setyembre ng 2013.
Sa isa sa pinakahuli niyang Instagram post ay nagbahagi ulit ito ng isa pang update para sa kanilang anak. Ani naman dito ni Iwa,
“Today is my CAS ultrasound. Thank God that everything is ok with baby.. lahat normal yun ang importante healthy and happy si baby.. we love you anak.”
Inaabangan na ngayon ng mga tagasuporta ni Iwa at ng mga kaibigan nito na maayos niyang maisilang ang kanyang pangalawang anak. Masaya ang mga ito para sa panibagong blessing na mayroon sina Iwa at Pampi.
Source: Inquirer
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment