Friday, November 13, 2020

Cong TV, Tita Krissy, at Team Payaman, Nagsagawa ng Relief Operation sa mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses


Trending ngayon sa social media ang Team Payaman na kinabibilangan ng mga pinakasikat na vlogger sa bansa gaya nina Cong TV at Viy Cortez. Ito ay matapos ang isinagawa nilang relief operation sa Parañaque para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Ulysses.

Sa social media, nagkalat ang mga behind the scene photos ng ginawang pagtulong na ito ni Cong Tv sa Parañaque. Isa sa mga agad nag-viral ay ang ibinahaging Facebook post at mga larawan ni Doods-Jr Antipuesto.

Dito, pinasalamatan niya ang Team Payaman at ang sikat na Kris Aquino impersonator na si Chino Liu para sa pangunguna ng mga ito sa pagsasagawa ng relief operation. Ayon dito, nagsadya ang grupo sa Moonwalk, Parañaque para ibahagi ang kanilang tulong.

“Maraming Salamat kay Chino Liu / Tita Krissy and Cong TV sa pagshare ng blessings niyo sa barangay moonwalk!  Mabuhay po kayo! #BrownOut #TyphoonUlysses #BarangayMoonwalk,” saad pa sa Facebook post.


Isa pang viral post tungkol sa pagtulong ng grupo ay ang ibinahagi ng isang Hannah Florencondia. Sa San Dionisio, Parañaque naman ang naging sadya ng grupo para magbahagi ng kanilang  tulong.

“Thank you so much #TeamPayaman led by Cong TV, Viy Cortez, Junnie Boy and, Vien Iligan for extending your help to our Typhoon Ulysses evacuees. Thank you rin SK Kagawad Chino Liu for coordinating with Team Payaman to make this possible. Salamat din kina DUDUT LANG, Clifford Beigh Mariano Sunga, @joshpint, Kevin Hermosada, @dextie, at sa ibang members ng Team Payaman. 


“Sobrang laking tulong nito para sa mga kabarangay namin. Sana mas marami pa kayong matulungan lalo na sa mga ganitong panahon. May God bless your team with more blessings para mas marami pang blessings ang maibahagi niyo sa iba,” ang ani naman sa viral post na ito.


Dahil dito kaya agad naging trending ang grupo partikular na sa Twitter kung saan, umani ang mga ito ng papuri at paghanga mula sa mga netizen. Dito, inihayag ng kanilang mga tagasuporta kung gaano sila kaproud sa buong grupo na handang tumulong sa mga nangangailangan.

Umani ang mga ito ng pagsaludo mula sa publiko dahil sa kanilang mga hakbang para makatulong sa mga nasalanta ng sakuna at pagkilos ng mga ito kahit na sila ay mga pribadong indibidwal lamang din.

Maliban sa Team Payaman, umani rin ng paghanga ang vlogger na si Donnalyn Bratolome matapos naman nitong bumili ng mga rescue boats na gagamitin sa mga rescue operations ng mga residenteng hindi pa napupuntahan dahil sa lawak ng baha.

Sa Twitter, heto ang ilan sa mga ibinahaging paghanga ng mga netizen para sa pagtulong ng Team Payaman at iba pang mga vlogger:


“Team Payaman deserves what they have right now, I'll never stop admiring them.”

“I will never stop admiring how golden their heart is! Team Payaman is a blessing from Him. Thank you po…”


“Other influencers should learn from these two. Team Payaman and @DJBDonna more blessings sa inyo.”

“That's why I stan Team Payaman they're helping the less fortunate, thank you for sharing your blessings! May God Bless you all, MORE POWER.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment