Hindi lamang mga residente na nasalanta ng bagyo at baha na dala ni bagyong Ulysses ang ni-rescue ng mga awtoridad kundi pati na rin ang mga alagang hayop na nastranded din sa baha.
Sa Facebook, naging trending ang larawan ng isang asong ito na makikita sa gitna ng malawak na baha at stranded sa bubong ng isa sa mga bahay na lubog na sa baha. Sa taas at lawak ng baha sa naturang lugar, bubong na lamang halos ng mga bahay ang makikita sa paligid.
Basang-basa mula sa buhos ng ulan ang naturang aso sa larawan at animo’y naghihintay ng sasagip sa kanya. Nakunan naman ang naturang larawan sa San Mateo, Rizal na isa rin sa mga lubusang nalubog sa baha dahil sa tindi ng ulan na dulot ni bagyong Ulysses.
Matapos magviral ng nasabing Facebook post ay agad bumuhos ang pagkabahala ng publiko para sa naturang aso. Nagtawag ng tulong mga ito sa sinuman na makaka-rescue sa naturang aso na stranded din sa gitna ng baha.
Ani pa nga ng ilang mga netizen:
“Please rescue the dog.”
“Kawawa naman ‘yung aso.”
“I would do anything to save that dog. And I’m still worried about the other animals :< Pls save them.”
“Sana po sa mga may alagang hayop. Kung kaya naman dalhin, dalhin nila. Kawawa ‘pag naiwanan sila.”
Saad pa ng ibang mga netizen, sa panahon ng sakuna ay hindi raw dapat na iniiwan ang mga aso at dapat ay isinasama rito ng kanilang mga amo sa paglikas.
Ilang oras lamang matapos nitong maging viral, magandang balita naman ang bumungad sa publiko. Na-rescue na umano ang naturang aso at naibalik na sa magy-ari nito. Kaya naman, marami ang natuwa at nagpahayag ng kanilang pasasalamat dahil sa pagkaka-rescue sa nasabing aso.
Ayon sa mga ulat, ang pangalan ng naturang aso ay si Rambo at ngayon ay magkasama na ulit sila ng may-ari sa kanya.
“For those asking, Rambo, the dog stuck on a rooftop has been rescued and reunited with his owner, JR.,” saad pa nga sa Facebook post ng isang Larry Monserate Piojo na siya ring nagbahagi ng larawan ng aso at kanyang amo.
Masayang-masaya ang mga netizen na makitang nasa ligtas na kalagayan na si Rambo at kasama na siya ng kanyang amo. Ani ng mga ito, dapat lamang na maging ang mga alagang hayop tulad ng aso ay kasama rin sa mga nirerescue sa tuwing may bagyo o anumang sakuna.
“Thank you, Lord! Sana pati ‘yung ibang mga pet, ma-save… May mga buhay din ‘yun.”
“Naiiyak talaga ako. Salamat kuya sa pag rescue.”
“Thank you, G!! And thank you rescuers!”
“Thank you to the person who rescued that dog. God bless you.”
Maliban sa asong si Rambo ay naibalita rin ang ginawang pagrescue ng ilan pang mga indibidwal sa mga alagang hayop na apektado ng bahang dulot ni bagyong Ulysses.
Sa kasalakuyan naman ay patuloy pa rin ang ginagawang mga rescue operations sa mga lugar sa Luzon na lubusang nalubog sa malawak baha na dulot ng pananalasa ni bagyong Ulysses.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment