Mula nang magsimula ang pamamahagi ng module para sa mga mag-aaral ngayong hindi muna makakapasok ang mga ito sa normal na paaralan, ilang mga pahina na ng modules ang naging viral dahil sa iba’t-ibang mga dahilan.
Kamakailan lang, isang pahina na naman ng DepEd module ang kumuha sa atensyon ng marami sa social media dahil sa isang nakasulat dito na hindi nagustuhan ng marami.
Ayon sa viral post na ito sa Facebook, nabanggit sa module ang pangalan ng aktres na si Angel Locsin kung saan, hindi naging maganda ang naging paglalarawan dito.
Sa module, tinawag lang naman na ‘obese person’ ng guro si Angel dahil daw sa madalas nitong pagkain sa isang sikat na fastfood chain na naghahain daw ng ‘fatty and sweet food’. Dagdag pahayag pa sa module ay wala daw pisikal na mga gawain ang aktres at lagi lamang nanonood ng telebisyon. Kasama din na nabanggit dito ay ang aktor na si Coco Martin.
Heto ang buong pahayag na nabanggit sa naturang module:
“SITUATION: Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin eats fatty ang sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television and does not have any physical activities.”
Base sa module, ang sitwasyong ito raw ni Angel ang kanyang ginamit sa asignaturang Physical Education na siyang kailangang analisahin ng mga mag-aaral.
Hindi maganda ang naging reaksyon ng mga netizen nang maibahagi sa social media ang bahaging ito ng naturang module na animo’y nagpo-promote ng ‘body shaming’ sa aktres. Totoo rin umano ang naturang module na gawa ng ‘Schools Division of Occidental Mindoro’.
Marami ang kinondena ang naturang module dahil sa pagiging mapanghusga raw nito sa aktres. Kung tutuusin, pwede naman daw na hindi nito gamitin ang buong pangalan ni Angel ngunit, mukhang idiniin pa raw nito ang aktres bilang siyang paksa ng sitwasyon.
Maliban pa sa mapanghusgang tono umano ng naturaang module, napansin din ng mga netizen ang ilang pagkakamali dito lalo na sa komposisyon ng mga pangungusap sa module. Mahigpit na kinondena ng mga ito ang animo’y diskriminasyon nila kay Angel ngunit, mukhang hindi rin matanggap ng mga ito ang mali sa mga pangungusap lalo na’t isang guro ang gumawa nito.
Heto nga ang ilan sa mga ibinahaging pagpuna ng mga netizen sa mga nakasaad sa naturang module:
“If you are going to bodyshame, at least do it with proper grammar…”
“‘She always watching television…’ what? Teacher ba ‘to hindi marunong ng basic grammar and sentence construction.”
“Yung tinatawag nila ng kung anu-anong bastos at nakakasakit sa damdamin na mga salita, patuloy na tumutulong tuwing mayroong kalamidad. Taos pusong tumutulong. #NoToBodyShaming”
“What kind of situation ‘yan na need talaga na buong name ng artista. Pwede naman Angel Lunario. He should have used other names, then. What's the point?? Not Unless…”
“In this kind of module. Diba dapat hindi sila gumagamit ng ganitong mga names. Ang daming pwedeng gamiting pangalan. Hindi dapat ito pinayagan na DepEd Philippines na ipublish. Body Shamming and Discrimination ito.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment