Tuesday, November 10, 2020

Dating ‘Click’ Heartthrob, Mayroon Nang Apo; Kilalanin!


Sa edad na 43, isa nang ganap na lolo ang ‘Click’ star na si Sherwin Ordoñez matapos magkaroon na ng anak ang kanyang panganay. Proud naman na ibinahagi ni Sherwin ang balitang ito sa Instagram.

“My son and newborn Apo 'baby Lucian' hehe lolo na ko,” ani pa rito ni Sherwin kasama ng larawan ng kanyang panganay na anak at apo. 

Ang kanyang panganay na si Jam Ordoñez, 20 taong gulang, at ang apo niya rito ay kasalukuyan ngayong nasa Japan. Maliban kay Jam, mayroon pang isang anak si Sherwin na isa namang babae, ang kanyang bunso.

“Jusmiyo kagawapo naman ng batang ito. Katangos pa ng ilong. APO nga talaga kita hehehe. Love u, baby Lucian,” natutuwang pagbabahagi pa nga ulit ni Sherwin tungkol sa unang apo.

Dahil nga napakabata pa rin ng itsura ni Sherwin kaya marami ang nagulat at hindi makapaniwala na isa na itong lolo. Mas lalong hindi makapaniwala rito ang kanyang mga tagasuporta na sinubaybayan noon ang karera ni Sherwin sa showbiz.

Ani ng mga ito, mukhang tumatanda na raw talaga sila dahil hindi nila akalaing isa nang lolo ang kanilang iniidolong si Sherwin. Napakabilis nga naman daw ng panahon.

Kilala si Sherwin bilang isa sa mga cast dati ng teen-oriented show na ‘Click’ sa GMA-7. Ginampamanan niya rito ang karakter ni JB na katambal naman ng karakter ng aktres na si Alessandra de Rossi.


Maliban kay Alessandra, nakasama rin ni Sherwin sa programang ito ang mga kapwa artistang sina Richard Gutierrez, Chynna Ortaleza, Angel Locsin, at iba pa.


Hinahangaan din dati si Sherwin dahil sa kanyang galing sa pagsasayaw. Naging miyembro ito ng tanyag na Abztract dancers kung saan, nakasama at kapwa miyembro niya rin si Dingdong Dantes.

Ilan pa sa mga programa at pelikulang kinabilangan din dati ni Sherwin ay ang Nuts Entertainment, Pintados, Kurap, I Love Dreamguyz, at iba pa. Ang ilan naman sa mga artistang nakasama niya sa mga ito ay sina Anne Curtis, Carmina Villaroel, Anjo Yllana, Joey de Leon at iba pa. Malapit ding kaibigan ni Sherwin sina Danica Sotto, Iwa Moto, Cristine Reyes at iba pa.

Mas nakilala pa si Sherwin sa showbiz nang maitambal ito sa aktres na si Angelika dela Cruz. Napanood ang tambalan nilang ito sa Kapuso soap na ‘Ikaw Lang ang Mamahalin’ na sinubaybayan ng kanilang mga taga-suporta.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay matibay pa rin ang pagkakaibigan na mayroon sina Sherwin at Angelika. Nang minsan nga itong bumati sa kaarawan ni Angelika, maging ito ay hindi rin makapaniwala na mayroon nang apo si Sherwin. Si Angelika pala ay ninang din ng panganay na anak na ito ni Sherwin.

Kung matatandaan, hindi agad ibinahagi ni Sherwin sa publiko ang pagkakaroon na nito ng mga anak. Ayon sa dating aktor, 23 taong gulang lamang ito nang isilang ang kanyang panganay. Matapos ang mahigit limang taon ay tsaka niya lamang ito ibinunyag sa publiko.

Sa ngayon, abala si Sherwin sa pagkakaroon ng iba’t-ibang negosyo gaya ng kanyang Toptag Fashion and Scents. Base sa kanyang IG account, mayroon ding itong mga guesting na dinadaluhan ngayon sa showbiz.


Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment