Monday, November 9, 2020

Throwback Photos ng Pagbuhat ni Michelle Gumabao sa Injured na si Alyssa Valdez, Trending sa mga Netizen!

Bago pa man pumasok sa mundo ng pagiging isang beauty queen, si Michelle Gumabao ay isa nang kilalang atleta sa larangan ng volleyball. Dati pa man, kahit hindi pa ito naglalaro ng professional volleyball ay marami na ang humahanga rito at itunuturing siya bilang isa sa pinakamagaling sa nasabing larangan.

Kaya naman, sa kabila ng mga hindi magandang balita na lumabas patungkol kay Michelle matapos ang pagsabak nito sa Miss Universe Philippines 2020, ang pagiging isang magaling at mabuti nitong atleta ang isa sa kailanman ay hindi maikakaila tungkol dito.

Habang trending ito dahil sa naging kontrobersyal na hindi raw nito pagdalo sa ilang events matapos ang MUP dahil umano sa pagkatalo, ilang mga throwback photo rin nito ang kumalat kung saan ipinapakita ang isang pagkatao ni Michelle.


Sa naturang mga larawan, makikita na galing sa isang laro sina Michelle at Alyssa Valdez, isa ring kilalang volleyball player. Ngunit, kapansin-pansin ang pag-alalay kay Alyssa ng dalawang tao dahil sa tinamo nitong injury sa laro.

Gayunpaman, mukhang hindi nakatulong kay Alyssa ang suporta ng dalawang tao kaya naman, si Michelle na mismo ang bumuhat sa kapwa atleta ng mag-isa.

Sa naturang mga larawan, makikitang buhat-buhat ni Michelle si Alyssa sa kanyang likuran habang naglalakad. Dahil sa isa itong propesyunal na atleta, wala halos kahirap-hirap itong ginawa ng ngayon ay isa na ring beauty queen.

Ang mga larawang ito ni Michelle ay umani naman ng mga positibog komento para rito. Para sa mga tunay na tagasuporta ni Michelle bago pa man ito pumasok sa pageantry, alam nila na mabuti itong tao at alam nila kung sino ang totoong Michelle na kanilang hinangaan.


Bago pa man ang kontrobersya sa hindi nito pagkapanalo sa korona ng MUP, isa sa mga pambabatikos na palaging ibinabato kay Michelle ay ang kanyang pangangatawan. Ngunit, hindi ito kailanman ikinahiya ni Michelle dahil ang katawan niyang ito ay bunga ng kanyang pagsisikap bilang isang atleta.

Unang nakilala si Michelle nang maging miyembro ito ng kupunan ng De La Salle University Lady Archers sa UAAP. Isa ito sa pinakahingaan dahil sa kanyang galing sa paglalaro at isa rin sa pinakatinilian dahil sa angking ganda nito noon pa man. Isa ito sa pinakasikat at pinakamagaling sa kanilang hanay.

Sa pagsabak nito sa pagiging isang beauty queen, nakasuporta pa rin dito ang kanyang mga tagahanga na naniniwala sa kakayahan nito. Una itong nanalo sa Binibining Pilipinas 2018 at nasungkit ang korona ng Bb. Pilipinas Globe 2018 na naging dahilan ng pagsabak niya sa International Pageantry.

Muling sumabak sa pageant si Michelle sa pagsali nito kamakailan lang sa MUP. Isa man ito sa mga itinuring na pinakamalakas na kandidata, bigo itong makuha ang minimithing korona na napanalunan naman ni Miss Iloilo, Rabiya Mateo.

Naging dahilan naman ito upang hindi tantanan ng kontrobersiya si Michelle na matapang din nitong hinarap kalaunan. Sa kabila ng mga ito, alam ng mga nakakakilala at sumusporta rito kung sino ang totoong Michelle at panalo na ito para sa kanila noon pa man.

Source: kami


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment