Tuesday, November 10, 2020

Julia Barretto, Nagpunta nga ba sa Resort ni Gerald Anderson sa Zambales?


Maraming mga netizens ang nakapansin na ang lugar na kinunan ng mga larawang ibinahagi kamakailan lang ni Julia Barretto ay mayroon umanong pagkakapareho sa beach resort ng aktor na si Gerald Anderson.

Patunay umano ito na nagpunta o nagbakasyon ang aktres sa Hayati Private Resort sa Zambales na pagmamay-ari ni Gerald. Dahil dito kaya mas lumakas pa ang mga spekulasyon na mayroon ngang relasyon ang dalawa kahit na mariin ang kanilang pagtanggi tungkol dito.

Sa isang larawan ni Julia, makikita sa background nito ang isang kubo na mayroong malaking pagkakatulad sa mga kubo sa beach resort ng aktor. Ang hugis tatsulok na mga kubong ito ay makikitang nakahilera sa maraming mga larawan ng resort na kakabukas pa lamang sa publiko.


Dahilan naman ito upang patuloy na mag-usisa ang mga netizen sa mga larawan ng resort at ihalintulad ito sa mga larawang ibinahagi ni Julia. Maliban dito, mukhang hindi lamang si Julia kundi ang buong pamilya mismo nito ay nagbakasyon sa private resort ng aktor.

Ito ay nang ipagdiwang ng pamilya ni Julia ang birthday ng kapatid niyang si Dani Barretto Panlilio. Bagama’t sa ilang mga larawan ay inihayag ni Dani kung saang resort nanatili ang mga ito, mayroong mga larawan ang mga nakasama niya sa selebrasyon na umano’y halatang kinunan sa resort ni Gerald.


Ang isang larawan mismo ni Marjorie Barretto na kinunan habang mayroong sunset ay binalot din ng spekulasyon na kinunan umano sa Hayati Private Resort. Ang resort na ito ni Gerald ay mayroong maipagmamalaking magandang view ng sunset.

Mayroon itong roofdeck kung saan, doon umano kinunan ang naturang larawan ni Marjorie. Makikita rin dito ang isang brown na upuan na madalas ay nakikita sa mga larawan ng resort.

Maliban dito ay mayroon pang ibang mga larawan ng mga kasama nina Dani sa selebrasyon nito na kinunan daw sa loob ng Hayati Private Resort. Mayroon pa ngang isang larawan ang kaibigan nitong si Bela Padilla na kinunan naman daw sa beachfront ng resort.

Ang resort naman na ibinahagi ni Dani na umano’y tinutuluyan nila ay malapit lang din umano sa naturang resort na pagmamay-ari ni Gerald. Kaya naman, hindi malayo na nagpunta nga ang mga ito sa private resort ng aktor.

Kung matatandaan ay sinuportahan din ni Julia ang pagbubukas na ito ng resort ni Gerald sa publiko. Ibinahagi nito sa kanyang Instagram story ang logo ng resort ngunit, binura niya rin ito kalaunan.

Noon pa man ay nagkaroon na ng mga spekulasyon tungkol sa pagpunta ni Julia sa private resort na ito ni Gerald. Minsan nang nakunan ng larawan ang mga ito ngunit, mayroong nagsasabi na hindi raw si Julia ang nasa naturang larawan.

Ito ay sa gitna ng mga spekulasyon na mayroon ngang relasyon ang dalawa. Nagsimula naman ang ugnayan na ito ng dalawa nang si Julia ang tinurong dahilan kung bakit naghiwalay dati sina Gerald at Bea Alonzo. Ngunit, mariing itinanggi ni Julia ang tungkol sa akusasyung ito.


Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-uugnay sa pangalan ng dalawa na mas umingay pa ngayon dahil nga sa mga larawang ito.

Source: pinoytrendz


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment