Monday, November 16, 2020

Derek Ramsay at Andrea Torres, Nag-break nga ba? Pag-Unfollow Nilang Dalawa sa IG, Usapan-usapan sa mga Netizens


Marami ang nagulat lalong lalo na ang mga fans ng magkarelasyong sina Andrea Torres at Derek Ramsay nang mapansin ng mga ito na burado na sa kanya-kanya nilang Instagram account ang kanilang mga larawan na magkasama.

Maliban dito, hindi na rin umano fina-follow ng dalawa ang isa’t-isa kaya lumalabas na parehong in-unfollow nina Derek at Andrea ang isa’t-isa sa IG.

Agad itong napansin ng mga fans ng dalawa dahil wala na sa pareho nilang social media account ang mga larawan nila na magkasama. Kaya naman, tanong ng mga ito ay kung ano ang nangyari kina Derek at Andrea.

Dahil sa pag-unfollow ng mga ito sa isa’t-isa ay lumabas ang mga spekulasyon na tinapos na raw ng dalawa ang kanilang relasyon at tuluyan nang nag-break. 

Gayunpaman, wala pang inilalabas ang dalawa na opisyal na pahayag tungkol sa isyung ito at sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngunit, ngayon pa lamang ay marami na ang nalulungkot kung sakaling totoo nga na nagbreak na ang dalawa. Kung matatandaan, isang buwan pa lamang ang nakalipas mula nang magpaunlak ng panayam ang mga ito na magkasama.

Sa isang programa sa GMA, nagbahagi ang dalawa ng ilang mga bagay tungkol sa kanilang relasyon. Sa isang bahagi ng programa, inihayag pa nga ng dalawa na handa na raw silang dalhin sa ‘next level’ ang kanilang relasyon. Ani rito ng mga ito, handa na silang magpakasal.


Taong 2019 nang tuluyang inamin at kinumpirma ng dalawa na mayroon nga silang relasyon. Ito ay matapos ang ilang mga spekulasyon na magkarelasyon nga ang dalawa matapos nilang magsama sa isang proyekto. Pormal nila itong kinumpirma noong Setyembre ng 2019.

Nagkasama sina Derek at Andrea sa programa o primetime series na ‘The Better Woman’ ng GMA. Matapos nito ay lumabas na ang mga spekulasyon na nagkakamabutihan na ang dalawa.

Maliban sa kanilang mga larawan sa kanilang social media accounts, sina Andrea at Derek ay magkasama ding nagva-vlog. Magkasama ito sa kanilang YouTube channel na ‘AnDrek Vlogs’ kung saan, palagi silang napapanood ng kanilang mga tagasuporta at subscribers.

Minsan ay naging trending pa nga ang ginawa nilang house tour sa bahay ni Derek na talaga namang hinangaan ng publiko. Ang huling vlog na kanilang ibinahagi ay nito lamang buwan ng Setyembre kung saan, naglabas sila ng isang unboxing video.

Sa kabila ng spekulasyong ito ng posibleng break-up ng dalawa, ang kanilang vlog ay nandiyan pa rin naman ngunit magdadalawang buwan na itong walang bagong upload na video.

Mahigit sa isang taon na ang itinagal ng relasyon ng dalawa mula nang aminin nila ito sa publiko. Ayon sa isang ulat, mayroon umanong matinding pinag-awayan ang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos.

Ito marahil ang dahilan ng pag-unfollow nilang dalawa sa isa’t-isa sa IG at ng mga spekulasyon na hiwalay na nga sila. 


Gayunpaman, umaasa pa rin ang marami lalo na ang taga-suporta ng mga ito na hindi totoo ang spekulasyon ng kanilang hiwalayan at na ma-aayos pa ang kanilang relasyon.

Source: ABS CBN

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment