Monday, November 16, 2020

Lalaki, Natiyagang Magtanim ng Bulaklak na Ibibigay sa Girlfriend Imbes na Bumili

Ang mabigyan ng bulaklak ng iyong kasintahan ay isa pa rin sa nagdudulot ng pinakamagandang pakiramdam. Kaya naman, kahit noong mga unang panahon ay ito na ang pangarap ng maraming mga kababehan.

Kadalasan, binibili ang mga bulaklak na ito na naka-ayos o naka-arrange ng maganda. Kahit may kamahalan ang presyo ng mga ito, bumibili pa rin ang marami para lamang mapasaya ang kanilang nobya.

Ngunit, kaiba ang ginawa ng lalaking ito mula San Fernando, Pampanga na mas piniling magtanim mismo ng bulaklak na kanyang ibibigay sa nobya imbes na bilhin lamang ito. Nagtiyaga lang naman si Angelo Aquino na magtanim at magpatubo ng sariling niyang bulaklak na ibinibigay nito sa girlfriend na si Jona Pare.

Kamakailan lang, trending si Aquino matapos niyang ibahagi ang ginawa niyang ito para sa kanyang girlfriend. Sa isang Facebook post, ibinahagi nito ang kanyang mga ginawa mula sa pagtatanim ng sunflower, sa pag-aalaga nito, hanggang sa tuluyan na itong namulaklak at ibinigay sa kanyang girfriend.


Higit dalawang buwan ang pagtatiyagang ginawa ni Aquino para mapatubo at tuluyang mamulaklak ang mga sunflower na kanyang itinanim. 

“How I did my secret surprise for my yaba. I can proudly say that I planted these. Di kailangan ng okasyon to make your girl happy…

“There’s nothing sweeter than growing your own plants, and giving them to someone you love. Taking care of the plants, talking to them, and watching them grow. You’ll have the pride. I hope you guys do the same. Kase hindi mabibili ng kahit anong pera ang pagmamahal,” saad pa nga ni Aquino tungkol dito.

Matapos lamang ang tatlong araw mula nang itanim niya ang mga buto ng sunflower, nakita na agad ni Aquino ang pagtubo ng mga ito na siya namang kanyang ikinatuwa. Para maging malusog ang patubo ng kanyang mga sunflower, regular na dinidiligan ni Aquino ang mga ito.


Ang mga sunflower ay likas na tumutubo kapag naaarawan kaya naman, sinisigurado ni Aquino na nailalagay niya sa arawan ang mga tanim niyang sunflower. Upang hindi rin ito pamugaran ng mga nakakasirang insekto ay kanya itong inalagaan gamit ang pesticide.

Nasa 44 raw pa ang hinitay ni Aquino bago tuluyang lumabas ang mga bulaklak ng sunflower. Naghintay pa ito ng ilan pang araw at naging kasing tangkad niya na ang mga tanim niyang ito.

Matapos pitasin ang mga sunflower, si Aquino mismo ang nag-arrange sa mga ito para maging isang bouquet na ibibigay niya sa kanyang girlfriend. Walang katumbas na saya naman ang naramdaman nilang dalawa matapos niyang maibigay sa nobya ang mga bulaklak na kanya mismong pinaghirapan.


Ang ginawang ito ni Aquino ay agad naman na naging trending at hinangaan ng maraming mga netizen. Humanga ang mga ito dahil sa kanyang tiyaga sa pagpapatubo ng mga bulaklak para lamang mapasaya ang girlfriend.

“Gusto ko lang po siya maging masaya and I know na mas maa-appreciate niya po ‘yung tinanim ko kaysa sa mga binili na flowers,” ang ani pa nga ni Aquino tungkol dito.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment