Tuesday, November 17, 2020

DJ Chacha, Nagbabala Para sa mga Budol na Nanghihingi ng Donasyon Para sa mga Nasalanta


Sa isang tweet ay inihayag ni DJ Chacha ang kanyang malaking pagkadismaya sa mga pekeng donation drives na kumakalat ngayon na nanghihingi ng mga donasyon para raw sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa Twitter, nagbahagi ito ng isang larawan kung saan, makikita ang umano’y budol na ginawa ng isang lalaki na lumalabas na isang gamer. Nakakuha lang naman ito ng Php 7,000 matapos na mag-organisa ng isang pekeng donation drive para sa mga nasalanta ng bagyo.

Dito, hindi raw inakala ng lalaki na agad-agad siyang mapapadalhan ng pera o donasyon gayong ‘trip trip’ lang naman daw ang ginawa niyang panghihingi nito. Saad naman ng isang kaibigan nito, dahil sa pera ay mayroon na daw silang pambili ng Steelseries; isang brand ng mga gaming peripherals at accessories.

“Naka 7k ako kagabe HAHAHA via Gcash sila nag-donate. G@gó gulat nga e trip trip lng naman,” ani pa ng lalaki sa naturang larawan.

“HAHAHA sabay bili agad ng steelseries si g@gó e HAHAHAH,” sagot naman dito ng isa pa.

Dahil dito kaya hindi na napigilan pa ng DJ na ihayag ang kanyang pagkadismaya sa mga taong nagagawa pang manloko sa kabila ng pinagdaraanan ngayon ng marami.

Dito ay nagbigay ng babala si DJ Chacha na mag-ingat sa mga pekeng donation drive na naglipana ngayon. Ani nito, magbigay o magpadala lamang ng donasyon sa mga totoong donastion drive na may napupuntahan ang tulong. Saad pa ni DJ Chacha,

“Ganito karami budol sa Pilipinas. Again, icheck ng maigi yung mga nanghihingi ng tulong at donation drives. Paano niyo nagagawang manloko sa dami ng totoong nahihirapan ngayon?”



Gaya ni DJ Chacha ay hindi rin nagustuhan ng mga netizen ang mga budol na ito. Dismayado rin ang mga ito sa panloloko na ginagawa ng mga mismong kababayan pa sa kanilang mga kapwa Pilipino na nakikipaglaban ngayon sa kanilang buhay.

Saad ng mga ito, ang mga budol o pekeng donation drive ang dahilan kung bakit marami na ang hindi ginaganahang magdonate dahil sa pangamba na hindi mapunta sa totoong mga biktima ang kanilang pera at tulong.

Sana naman umano ay magkaroon ng konsensya ang mga taong gumagawa nito at ibigay nila sa mga biktima ang mga donasyon o perang natatanggap.

Heto pa ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen sa tweet na ito ni DJ Chacha:

“Ingat tayo sa mga nanghihingi kuno ng tulong tapos binubulsa lang pala, kapal ng mga mukha! Sa impiyerno diretso ng mga yan! Sa legit lang tayo magdonate.”

“Kaya patuloy padin ang parusa sa mga tao dahil MERON at MERON pading maiitim ang budhi, walang puting nananalaytay sa pagkatao!”

“Nagkalat iyan sa Pinas, akala mo legit pero nanghuhuthot lang pala.”


“Kaya maraming legit na nanghihingi ng tulong di mabigyan dahil e nagdadalawang isip ka na bigyan dahil maraming manloloko na tulad ng mga lintek na yan!  Kaya kung magbibigay ako pag may extrang pera sa nangangailangan, sa mga nakilala ko o sa mga news outlet ang source ko.”

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment