Tuesday, November 17, 2020

Xian Gaza, May Sagot sa Isang Netizen na Kumutya sa Kanyang Ngipin; “Daming pera wala pampustiso? SCAM! HAHAHA,”


Trending na naman ang social media personality at tinaguriang scammer na si Xian Gaza matapos nitong supalpalin ng sagot ang isang netizen na umano’y kumutya sa kanyang ngipin.

Sa isang larawan ni Gaza kung saan ito ay nakangiti, makikita ang kanyang ngipin na mahahalatang hindi ganoon kaayos. Dahil dito kaya isang netizen ang pumuna kay Gaza at nagbigay ng negatibong komento tungkol sa kanyang ngipin.

Ayon sa netizen na ito, ‘scam’ umano si Gaza dahil sa dami ng pera nito ay hindi man lang daw nito naipa-pustiso ang kanyang ngipin. Tinawanan pa nito si Gaza dahil nga sa hindi raw nito pagpapalagay ng pustiso sa kabila ng yaman.

“Daming pera wala pampustiso? SCAM! HAHAHA,” ani pa nga ng naturang netizen.

Hindi naman pinalampas ni Gaza ang pamumunang ito ng naturang netizen sa kanya. Noong una, kalmado lamang na sumagot dito si Gaza at ipinaliwanag sa netizen kung bakit hindi pa umano nito napapa-ayos ang kanyang ngipin. 

Pagbabahagi ni Gaza, hindi lang naman kasi pustiso ang kanyang ipinapagawa kundi isang ‘permanent dental implant’ para sa mas maayos na resulta sa kanyang ngipin. Pagdidiin pa nito, nasa Php 100,000 daw ang presyo ng pagpapalagay ng permanent dental impant.

Ngunit, bago ito ay kailangan niya munang maghintay ng tatlo hanggang anim na buwan bago tuluyang maayos na ang kanyang ngipin na walang pagdadalawang isip na kinutya ng netizen.


Sa huling bahagi ng kanyang sagot, dito na naging diretsahan at matindi ang kanyang iniwang mensahe sa netizen. Dito, tinawag niya lang naman na ‘hampaslupa’ ang naturang netizen dahil pustiso lamang daw ang alam nito. Saad pa nga ni Gaza.

“Kailangan ko daw mag-antay ng 3-6 months from the day of my tooth extraction para sa full recovery ng bone structure na siyang sasalpakan ng permanent dental implant na aabot sa 100,000 pesos.

“Binigyan kita ng oras upang iyong maunawaan dahil pustiso lamang ang alam ng mga kagaya mong hampaslupa.”

Dahil naman dito kaya maraming mga netizen ang hindi mapigilang matawa sa ‘savage’ raw na sagot ni Gaza sa nasabing netizen. Lalong lalo na sa mga sumusubaybay sa kanyang mga Facebook post, bentang benta sa kanila ang ginawang pabalang na sagot ni Gaza sa nasabing netizen.

Tawang-tawa ang mga ito sa pagkakasagot ni Gaza sa naturang netizen. Hindi talaga raw papalagpasin ni Gaza na mag-iwan ng pangungutya at pamumuna sa kanya ang mga bashers na ito.

Natatawang saad pa nga ng ilang mga netizen tungkol dito,

“Baka naman Kuya Xian pasponsor naman ng pampatanggal ko ng impacted wisdom tooth. Hehehe.”

“Nagisa sa sariling mantika!”

“Awts saket nun HAHAHAHA!”

“San na ‘yung bumbero?!”

“Kaya nga idol kita sir Gaza hahaha!”


Si Gaza ay kilala dahil sa ginawa nito noong pagpapasikat sa iba’t-bang mga artista na kanyang nagugustuhan. Minsan ay niyaya nito ang aktres na si Erich Gonzales ng isang coffee date sa pamamagitan ng isang anunsyo sa billboard. Minsan din ay mayroon itong ini-offer na ‘bouquet of mustang’ para sa aktres na si Nadine Lustre.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment