Monday, November 16, 2020

Simpleng Pamumuhay Ngayon ni John Lloyd Cruz, Hinangaan ng Publiko


Patuloy na nga talaga ang pagyakap ng aktor na si John Lloyd Cruz sa simpleng pamumuhay at pagiging mapagkumbaba habang nakikihalubilo sa mga simpleng tao.

Ayon sa isang ulat, nasa El Nido, Palawan ngayon ang aktor kung saan, malayo itong nakakalakad at makapamasyal sa dalampasigan at sa iba pang mga lugar dito. Madalas ay kumakalat ang mga larawang ito ni John Lloyd sa tuwing mayroong gustong magpakuha ng larawan kasama siya na masaya naman nitong pinauunlakan.

Sa mga larawang ito, madalas na nakikita si John Lloyd na simple lamang ang pananamit habang bumibili at kumakain ng paboritong streetfood ng lahat na fishball. Mukhang nahilig na rin dito ang aktor dahil madalas ay dito siya nakikita ng publiko.

Suot lamang ang simpleng shorts, t-shirt, at isang simpleng sling bag, makikitang masaya ang aktor sa simpleng pamumuhay na mayroon ito ngayon. Masaya rin ang mga taong nakakakita sa aktor kung saan, malaya silang nakakakuha rito ng larawan.

Bagama’t mapapansin na nagkaroon na ng bigote si John Lloyd at katamtamang na rin ang haba ng kanyang buhok, hindi pa rin maikakaila ang gwapo nitong mukha. Ani pa nga ng ilan, ngayong mas masaya na raw ang aktor sa simple nitong buhay ay mukhang mas gumwapo pa raw ito sa kanilang paningin.

Aakalain mong ordinaryong tao lamang si John Lloyd habang nakikikain sa mga stall ng fishball sa kalye dahil sa napakasimple nitong ayos. Kaya naman, hindi naiwasan ng mga netizen na humanga at mapabilib sa aktor na mas pinili ngayong mamuhay ng simple sa kabila ng kasikatan nito.


Ang mga larawang ito ni John Lloyd ay agad nagtetrending sa social media kung saan, umaani ito ng iba’t-ibang mga papuri hindi lamang mula sa kanyang mga tagahanga kundi pati na rin mula sa mga simpleng indibidwal.

Nakakabilib na sa kabila ng tinamasa nitong kasikatan at tagumpay sa parehong pelikula at telebisyon ay nagawang ibahin ni John Lloyd ang kanyang pamumuhay at mas piniling maging simple at mapagkumbaba.


Heto nga ang ilan sa mag komento tungkol dito ng ilang mga netizen:

“I really love and like people who show that there’s no boundary to being rich and poor… that what matters is to be real to themselves. Miss ko na kumain ng kwek-kwek at fishball!”

“Gwapo ka pa rin, idol… Kung asan ka masaya, doon ka. Sana gawa ka uli ng bagong movie.”

“Imagine paganyan-ganyan lang si John Lloyd pero isang movie comeback lang, milyon milyon agad sa kanya. He doesn’t flaunt kung ano meron siya. Iba sa mga influencers na naglipana d’yan.”

“Iba ka talaga, idol. Sana matuloy na ‘yung comeback movie n’yo ni Bea. Ingat idol. You are blessed… and keep being ablessing to your loved ones and fans.”

Mahigit dalawang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin ni John Lloyd ang mundo ng showbiz. Sa mga panahong ito, usap-usapan na magkarelasyon sila ng aktres na si Ellen Adarna na kapareho ng aktor ay namahinga rin sa showbiz.


Nagkaroon naman ng isang anak ang mga ito, si Elias. Bagama’t naghiwalay na sina John Lloyd at Ellen, nagkakasundo naman daw ang mga ito para sa pagpapalaki sa kanilang anak. 

Source: thetrendstarz


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment