Mayroong ibinahaging opinyon ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa tungkol sa kontrobersyal na pahayag kamakailan lang ni Arnell Ignacio tungkol daw sa mga artistang nambabatikos at kinukwestyon ang presidente. Sa naturang pahayag, tinawag lang naman ni Arnell na ‘mahina ang ulo’ ng mga artista.
“Noon ang artista, kadalasan ang tingin e mahina ang ulo... na stereoyped kung baga.
“Nakaka sama nga ng loob noon… pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba eh. Me yabang pa nga sa katangahan e,” saad nito.
Si Arnell kay kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kapwa rin nito tagasuporta si Elizabeth kaya naman, hiningan ito ng opinyon tungkol sa pahayag ni Arnell.
Dito, dahil isa ring artista ay mayroong pag-aalinlangan ang aktres sa paghahayag ng kanyang opinyon noong una. Ani nito, bagama’t sang-ayon siya sa pahayag na ito ni Arnell, hindi naman umano lahat ng artista ay ganito. Maaaring mayroon lang daw iilan na hindi muna iniisip ang kanilang mga sinasabi.
“Iyan ay napakahirap tulayin ang isyung iyan, kasi artista ako…
“Hindi lahat ng artista ay bobo. Maraming artista ang nagsasalita na hindi naman bobo, kaya lang hindi mahilig mag-research, at gusto lamang ay parang makisali, mga kuda na hindi dapat,” ani pa Elizabeth.
Para kay Elizabeth, dapat na iniisip muna ng isang tao ang gusto nitong sasabihin bago niya ito tuluyang ihayag. Ito raw ang nagiging problema sa ilang mga artista kaya nasasabihan silang mahihina ang ulo.
Gayunpaman, sa bandang huli ng panayam na ito kay Elizabeth ng isang sikat na news site ay mukhang sinabi na rin nito na talagang sang-ayon siya sa inihayag na opinyon ni Arnell. Saad niya pa nga tungkol dito,
“Kaya napagsasabihan na bobo ang ibang mga artista kasi totoo naman. Bobo, kasi ang bilis magsalita nang hindi iniisip, bitaw lang nang bitaw. Yun ang masasabi ko.”
Kaya naman, mayroong iniwang payo si Elizabeth para sa mga kapwa niya artista tungkol sa paghahayag ng kanilang saloobin lalo na tungkol sa politika. Ayon sa aktres, sa loob ng maraming taon ay marami na siyang natutunan lalo na sa tamang pagsuporta at paghahayag ng opinyon tungkol sa isang politiko.
Dito, ipinaalala ni Elizabeth na mayroon na ngayong social media kaya mas kailangan na maging mas maingat ang mga ito sa pagbabahagi ng kanilang mga personal na pahayag. Siguraduhin daw ng mga ito na tama ang kanilang sinasabi.
“Ang pangaral ko sa kanila, kahit hindi niyo ako hinihingan ng opinyon tungkol diyan, sana kahit sinong artista, lalo na yung mga bata sa akin, isipin niyo muna kung ano ang sasabihin niyo. Mag-research.
“Kung ayaw niyo yung isang politician or isang partido, okay lang yun. Pero bago ka magbitaw ng salita against that partido or politician, make sure na tama ang inasabi mo at mayroon kang valid proof. Yun lang…
“Huwag basta-basta, kasi artista ka. Lahat naman tayo may karapatan. Pero dahil artista ka, nama-magnify masyado lahat. Kaya nga mag-ingat ka sa sasabihin mo. Yung sinampal mo na isa, tatlumpung sampal ang aabutin mo. May social media na ngayon, e, di tulad noong araw,” pagbabahagi pa ng aktres.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment