Bagama’t normal para sa kultura ng mga Muslim ang lalaking nagkakaroon ng mahigit pa sa isang asawa, hindi pa rin ito pamilyar para sa iba o di kaya ay hindi nila alam na nangyayari ang ganito sa ibang kultura.
Kaya naman, hindi kataka-taka kung bakit naging trending sa social media ang mga larawan ng mga bagong kasal na ito kung saan, bagama’t nag-iisa lamang ang groom ay dala-dalawa naman ang kanyang bride sa kasal.
Ayon sa mga larawang ibinahagi ng Facebook page na ‘New You Photography’, dalawang masayang bride ang makikita kasama ang kanilang nag-iisang groom. “Omar and 2 wives” ang ayon pa nga sa mga larawan na tumutukoy sa lalaking kinakasal at sa dalawang magiging misis nito. Ang lahat ng nasa mga larawang ito ay pangkaraniwan nang nangyayari sa isang kasal ngunit, hindi ito para sa dalawang tao kundi para sa tatlong tao.
Dito, makikita ang tatlong silya sa gitna para sa bagong kasal. Makikita din ang animo’y anino ng tatlong tao sa ibabaw ng kanilang wedding cake. Sa mga larawan, magkasama palagi ang tatlo na suot ang kanilang pinakamagandang ngiti.
Kapansin-pansin naman na ang ikinakasal ay Muslim kaya agad naintindihan ng mga nakakita sa larawan kung bakit dalawa ang bride sa nasabing kasal. Ngunit, mayroon pa rin talagang iba na hindi ito naunawaan at ginawan ng katatawanan ang nasabing kasal. Sa mga komento, mababasa ang kanilang nga pabirong pahayag tungkol sa dalawang misis na mayroon ang lalaki.
Kaya naman, maraming mga netizen ang pumuna sa mga natatawa at negatibong komento na ito sa larawan. Dito, ipinaliwanag nila ang kultura sa likod ng pagkakaroon ng higit pa sa isang asawa ng mga Muslim. Hiniling din ng mga ito na irespeto ang naturang kultura at hindi gawing katatawanan.
Ani ng mga ito, dapat daw na intindihin ng bawat isa ang kultura ng bawat relihiyon upang maipairal ang respeto sa bawat isa. Hindi umano dapat na ginagawang katatawanan ang ganitong kultura ng mga Muslim dahil, mayroong dahilan sa likod nito at hindi para lamang magkaroon ng dalawang babae sa kanilang buhay.
Heto pa ang ilan sa iniwang komento tungkol dito ng mga netizen:
“Kaya hindi magkaroon ng pagkakasundo eh… simpleng kultura ng mga kababayan nating Muslim, pinagtatawanan. Masyadong mga pabibo. Intindihin nyo ang kultura nila. Naisulat yan sa history books. Hays.”
“It's their culture. We should understand and respect it so that they will do the same thing to us.”
“Kung nakinig lang kayo sa mga klase niyo, mas maiintindihan n’yo kung bakit ganyan ‘yung sitwasyon nila. Nakakahiya ‘yung iba. May pa'haha pa. Irespeto sana natin ‘yung kultura ng mga kababayan nating Muslim at wag maging ignorante.”
“Why are people laughing at this? We all have our differences when it comes to our culture. Just respect their culture, they're not even doing any harm to us lmao.”
“It's their culture na kung may kaya ang lalaki na bumuhay ng dalawang asawa, pwede siya ikasal sa mga ito. Respect their culture and traditions because everyone of us has a role to fulfill depending on what religion we belong.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment