Hindi nagustuhan ng mga netizen lalong lalo na ng mga fans ng sikat na Korean star na si IU ang ginawang pahayag tungkol dito ng sikat na celebrity dermatologist na si Dra. Vicki Belo.
Si IU ang naging paksa sa part 2 ng ‘Korean Celebrities Cosmetic Surgery Secrets’ series ni Belo sa TikTok. Dito, inihayag ni Belo ang umano’y mga pinagdaanang plastic surgery ng 27 taong gulang na si IU.
Ayon kay Belo, dumaan umano sa apat na magkakaibang surgery ang K-pop singer at aktres. Isa ang aktres na si IU sa may pinakamgandang mukha sa K-pop industry ngunit, para ma-achieve niya ito ay dumaan umano si IU sa blepharoplasty, rhinoplasty, fillers, and thermage.
“This is IU and this is what I think she did.
“She did blepharoplasty to make her eyes wider and bigger. She had rhinoplasty on her nose to make her bridge higher and more pointy on the tip of her nose…
“She did fillers on her lips, especially more on her upper lip…
“She did thermage on her whole face to make it shrink. And… she looks so much prettier,” ang ani pa rito ni Dra. Belo.
Ngunit, umani ng mga pambabatikos ang Tiktok video na to ni Dra. Belo dahil alam ng marami na hindi dumaan ang aktres sa anumang plastic surgery. Bukas ito tungkol sa naturang isyu at minsan niya na itong hinarap sa publiko.
Sa ilang mga ulat dati, inihayag ni IU na hindi ito dumaan sa anumang plastic surgery. Ang mga pagbabagong nakikita sa kanyang mukha ay dahil lamang sa malaking pagbabago sa kanyang timbang at dahil na rin sa kanyang make-up.
Kaya naman, ang mga pahayag na ito ni Dra. Belo ay pinuna ng mga fans ng Korean star at agad naging trending sa Twitter ang #ProtectIU at #BeloApologizeToIU.
Dahil marahil sa dami ng mga pambabatikos na inabot ng TikTok video na ito ni Dra. Belo ay agad itong binura at hindi na ngayon makikita pa sa kanyang TikTok account. Ngunit, sa bilis ng mga netizen ay ilang kopya nito ang kanilang nai-save at ngayon ay kumakalat pa rin sa social media.
Bagama’t hindi sekreto ang pagsailalim ng ilang mga Korean star sa plastic surgery at marami ang aminado na dumaan sila sa prosesong ito, ang aktres at singer na si IU ay pinabulaanan na isa siya sa mga ito. Ani pa ng mga fans nito, kung talagang dumaan man sa plastic surgery ang aktres, alam nilang ihahayag ito ni IU at hindi gagawing isang sekreto.
Heto ang ilan sa naging pahayag ng mag netizen tungkol sa pahayag na ito ni Dra. Belo kay IU:
“FYI. IU didn't go on any plastic surgery. She has a ‘NATURAL BEAUTY’. As you know ,she has suffered from an eating disorder. She is so open about her past fight againts bulimia. Before you talk, make sure to know the whole story first!”
“She didn't undergo any cosmetic surgery. I personally think she won't hide it if she does… So it's VERY DISRESPECTFUL to claim anything without verifying especially when you're a ‘doctor’.”
“She ‘thinks’? So why not make a research before even opening her mouth to say something about it? Nakakaloka. IU suffered from bulimia & struggled a lot. Her simple ‘I THINK’ is INSENSITIVE.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment