Nakakalungkot isipin na kahit sa gitna ng pinagdadaanang pagsubok ngayon ng bansa dahil sa sunod-sunod ng mga kalamidad at nakakatakot na sitwasyong nangyayari, mayroon pa ring mga tao na nagagawang manlamang at manloko ng kapwa.
Kasabay ng pagkalat ng mga numero na maaaring tawagan para sa mga gustong magpa-rescue at numero o bank account na maaari namang padalhan ng mga donasyon, viral din ang mga post na nagbibigay ng babala tungkol sa mga pekeng nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima.
Sa isa sa mga trending post tungkol dito, isang nagdonate ang nabiktima raw ng Php 60,000 na halaga ng pera na akala nito ay totoong para sa pagtulong ng mga biktima ng nangyayari ngayong sitwasyon sa Cagayan Valley. Ngunit, isang scam daw ang napadalhan nito ng donasyon at ngayon ay hindi niya na ito ma-contact.
“Please be careful when you're donating!! BE AWARE! THERE'S MANY PEOPLE WHO TAKE ADVANTAGE OF OUR CURRENT SITUATION!!!” pagbibigay babala pa nito.
Sa isa pang viral Facebook post, isang netizen din ang nagbahagi ng kanyang pagkadismaya para sa ginawang panloloko umano ng isang tao sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang donation drive gamit ang kanyang gcash account.
“This is what I'm telling you to be extra vigilant when sending donations especially in cash! Naglipana mga SCAMMERS!!! To hell with these kinds of people. Rotten to the core! Apakawalanghiya niyo po,” ani pa ng netizen na nagbigay ng babala.
Ayon sa taong ito na kanyang tinutukoy, katuwaan lamang daw ang kanyang ginawa at hindi niya inaasahan na mayroon ngang magdodonate. Sinabihan lang naman nitong ‘uto-uto’ ang isa sa mga nagpadala rito ng donasyon sa pag-aakalang ‘legit’ ang ginagawa nitong paghingi ng tulong.
Ikinatuwa ng mga taong ito ang mga natanggap na donasyon na umano’y nakuha nila sa napakadaling dahilan na umano’y ‘trip’ lamang nila.
Sa ibinahaging larawan ng naturang concerned netizen, makikita ang animo’y katuwaan pa ng mga taong ito na mayroon na silang magagamit na pera para sa walang kabuluhang bagay na walang anumang kinalaman sa mga dapat ay tutulungan nilang biktima.
Kaya naman, hindi maiwasan ng maraming mga netizen manggalaiti sa mga taong ito na walang ibang inatupag kundi ang manloko ng kapwa.
Sa kabila ng dilubyong kinakaharap ngayon ng kanilang mga kababayan sa Cagayan, Isabela, at Tuguegarao, samahan pa ng mga nasalanta ng bagyo sa Metro Manila, hindi man lang nagdalawang isip ang mga ito sa kanilang ginawang panloloko.
Hindi lubos maisip ng mga ito kung bakit mayroon umanong ganitong klase ng mga tao. Sana umano ay makonsensya ang mga ito sa kanilang ginawa at itigil na ang panlalamang. Sana ay ibahagi umano ng mga ito sa nararapat ang mga donasyon na kanilang tinanggap para sa pansariling intensyon.
Talagang nakakapanlumong isipin na habang nakikipaglaban para sa kanilang buhay ang mga kababayan nating biktima ng sitwasyon, mayroong mga tao na hindi man lang makaramdam nito at patuloy pa rin sa paggawa ng masama.
“Ang mapagsamantalang tao ay walang patutunguhan. Matakot ka sa karma. Isipin mo naman na marami ang nangangailangan ng tulon. Huwag naman po sanang ganyan,” ang nakikiusap pa ngang ani ng isang netizen.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment