Sunday, November 8, 2020

Jake Ejercito, Nag-react Nang Mabanggit si Maine Mendoza ng Kanyang Kapatid na si Jinggoy


Kamakailan lang ay nagkaroon ng kaswal na kwentuhan ang magkapatid na sina Jake Ejercito at Jinggoy Estrada sa isang online show ng dating senador.

Dito, ilang mga tanong ang ibinato ni Jinggoy sa kanyang kapatid. Kung si Jinggoy ay pumasok sa politika, si Jake naman ay nagsimula na ring pumasok sa showbiz.

Kaya naman, isa sa mga naitanong kay Jake rito tungkol sa kung sino umano sa mga artista ang gustong maging leading lady nito. Nabanggit agad dito ni Jinggoy ang pangalan ni Maine Mendoza kung saan, tinanong nito kay Jake kung isa ba si Maine sa mga gusto nitong maging leading lady.

“E, si Maine?” kaswal pang tanong ni Jinggoy.

Ngunit, mukhang hindi komportable si Jake sa iminungkahing pangalan ng kapatid. Sagot nya pa nga kay Jinggoy,

“Naku... May boyfriend na rin yun. Anak ni Tita Sylvia boyfriend nun! Kuya, anak ni Tita Sylvia boyfriend nun.”

Ngunit, tuloy pa rin sa animo’y panunukso ni Jinggoy sa kapatid. Hirit niya pa nga kay Jake,

“Pero bago yun, di ba, may ipinakita ka sa akin? Oy, Jake! May alam ako diyan. Di ba? Di ba? Di ba?”

“Next question!” ang naging sagot na lamang dito ni Jake.


“Hahaha! O, di ba, tama? May pinakita ka sa akin,” muli pang sagot dito ni Jinggoy.

Kung matatandaan, minsang iniugnay ng publiko si Jake kay Maine nang mapansin ng mga ito ang isang larawan daw ni Maine sa Instagram story ni Jake. Dahil dito kaya kumalat noon ang spekulasyon na mayroong espesyal na namamagitan sa kanila.

Ang mga ito ay nagkatrabaho dati sa ‘Kalyeserye’ na segment ng Eat Bulaga. Pareho namang mariin na itinanggi ng dalawa ang tungkol sa isyu na ito.

Paglilinaw ni Jake, hindi niya raw niligawan at hindi rin sila nagkaroon ng relasyon ni Maine maliban na lamang sa pagiging magkaibigan. Ganito din ang naging pahayag ni Maine nang matanong sa naturang isyu. 

Paliwanag pa nga ni Maine, ang naturang larawan niya sa IG story ni Jake ay kuha lamang daw sa isang beses na lumabas sila kasama ang iba pa nilang mga kaibigan at hindi lamang ang huli ang kanyang nakasama rito.

Gayunpaman, naging ilag man si Jake tungkol sa pagbanggit ni Jinggoy sa pangalan ni Maine, sinagot pa rin nito ang tungkol sa tanong na kung sino ang gusto niya na maging leading lady kung sakaling mabigyan siya ng isang lead role.

Nanguna sa kanyang pinagpilian ay ang aktres na si Liza Soberano. Dito, pinuri ni Jake kung gaano kaganda si Liza.

“Naku, ang dami kasing magaganda ngayon. Siyempre siguro Liza Soberano, di ba? Huwag magagalit sa akin yung fans ng LizQuen, ha? Sinasabi ko lang maganda si Liza,” ani pa ni Jake.

Ayon kay Jake, noon paman daw ay mayroon na itong crush kay Heart Evangelista kaya kung sakali ay gusto niya rin itong makatambal. Ani pa nito,


“Ako, ever since before, crush ko before si Heart Evangelista din.” 

Sina Jake at Jinggoy ay magkapatid sa kanilang amang si dating Pangulo at dating alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada. Si Jake ay anak ni Erap kay Laarni Enriquez habang anak naman nito si Jinggoy sa kanyang asawang si Dr. Loi Ejercito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment