Sa kabila ng malaking pagbabago sa pagtanggap ng lipunan sa mga miyembro ng LGBTQ+ community, mayroon pa ring iilan na sadyang iba ang pananaw at tutol pa rin sa pagtanggap sa mga ito sa lipunan.
Gaya na lamang ng isang babae na ito na inireklamo ng isang transgender woman sa Mayamot, Antipolo City. Ayon dito, dahil daw sa kanyang kasarian ay madalas siya nitong hina-harass.
Sa isang video na ibinahagi ni Alexis Hart Garcia sa Facebook, makikita ang walang habas na panlalait at pambabato ng masasamang salita sa kanila ng kanilang kapitbahay na si Aleng Susan. Si Alexis ang isa sa mga founder ng grupong Transpinay of Antipolo Organization o TAO.
Dito, kahit na vine-video ay sige pa rin ang ginang sa pangha-harass kay Alexis at wala raw itong takot kung ano ang gawin nito sa video. Hindi lamang pasalitang pangha-harass ang ginagawa nito dahil mayroon na rin itong dalang pisikal na pananakit.
Dito, ilang beses at paulit-ulit na maririnig ang naturang Aleng Susan sa pagsasabi ng ‘bakla’. Papunta lamang daw sana sina Alexis at ng partner nito sa mall ngunit, nakasalubong nila ng kapitbahay na palaging nangha-harass sa kanila dahil sa kanilang kasarian.
Maririnig ito rito habang binabantaan sina Alexis na babarilin niya raw. Dahil sa pisikal na pag-atake niya kay Alexis ay nagkaroon pa ng mga pasa ang huli.
Tinanong pa ito ni Alexis kung anong nagawa niya rito at bakit galit na galit ito sa kanya. Wala naman daw kasi siyang ginawang masama sa kapitbahay niyang ito. Ani naman ng nasabing Aleng Susan,
“Get out! Ikaw, babae ka ba? Wala nga. ‘Wag kang dadaan dito para hindi kita makita…
“Ikaw ang highblood. Eh puro retoke katawan mo, eh. Kaya nga, impyerno ka. I won’t talk to you. Get out!”
Dagdag insulto pa nito rito, baliw umano si Alexis at hindi raw mapupunta sa langit ang partner nito na pumatol daw sa bakla. Bawal din umano sa bansa ang mga katulad ni Alexis. Paulit-ulit nitong sinasabi na galit ito rito dahil daw ‘bakla’ si Alexis.
“Ito po si Aleng Susan, hate na hate niya po ang mga baklang katulad ko. Kahit wala po akong ginagawang masama sa kanya. Ito po ang magpapatunay… ito po ang pruweba na ganyan po ang pakikitungo niya sa akin…
“Dahil po, sa tuwing dumadaan po ako, sinasabi niya po na ang sarap ko pong barilin. Tapos di daw po ako pwedeng dumaan dito sa amin dahil pagmamay-ari niya po ang buong [lugar]... Ayan po s’ya. Dahil tuwing dumadaan po ako dito, lagi po niya talaga akong bina-bash at binu-bully,” ang ani naman ni Alexis sa video.
Gaya ng sabi ni Alexis, ibinahagi niya sa social media ang naturang video upang ibahagi kung paano ito lait-laitin ng kanyang kapitbahay na wala naman siyang masamang ginawa. Hindi rin ito nagkamali dahil agad na nagviral ang video at umani ng iba’t-ibang mga reaksyon.
Maliban dito ay lumapit din si Alexis sa mga awtoridad upang ireklamo ang ginawa sa kanya ng kapitbahay. Naghain na umano ito ng pormal na reklamo laban kay Aleng Susan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment