Monday, November 9, 2020

Kris Aquino, Nakaramdam ng Sintomas sa C0VID-19 Matapos Magpositibo Rito ang Kanyang Driver

Nakatakda sanang mag-shoot ng isang commercial si Kris Aquino ngunit, naudlot ito nang lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang mga drivers. Sa Instagram, ibinahagi nito ang naturang pangyayari na sadyang ikinabahala ng Queen of All Media.

Ayon kay Kris, kahit hindi niya nakakasalamuha ang naturang driver dahil hindi naman ito ang nagmamaneho ng kanyang kotseng ginagamit, ito raw ang nagmamaneho ng sasakyan na ginagamit sa pagsundo ng homeschooling teacher ng kanyang anak at ng iba pang miyembro ng kanyang team.

“November 3 we all had PCR testing because i was supposed to do a TVC shoot Nov 5… Testing was done in the morning. 8 PM when my sons, my whole team, and i (we’re quarantining together until the 12th when this batch of commitments will finish) got an urgent message: 1 of our drivers tested positive for Covid-19.

“He doesn’t stay where we are all living now and he doesn’t drive for me, but he does take care of picking up & bringing home bimb’s homeschooling teacher, he regularly picks up members of my team from their homes, and normally when i need to bring many things & we’re a complete group, he drives our 2nd vehicle,” pagbabahagi pa nito.

Kaya naman, kahit nagnegatibo si Kris ay muli na naman itong sumailalim sa test. Maliban dito, minabuti na rin ng kanyang brand na ini-endorso na ipagpaliban muna ang shooting ng commercial kahit malaki ang mawawala rito para i-prioritize nila ni Kris. Agad din na lumabas ang antigen test nila Kris at negatibo naman daw silang lahat.

Ngunit, sa kabila nito ay nakaranas umano si Kris ng ilang mga sintomas ng virus. Ilan lamang sa mga naranasan niyang sintomas nito ay ubo, pagkawala ng bose, at pananakit ng ulo. Pagbabahagi pa nito,

“That evening my dry cough started, accompanied by a sore throat and headache. i slept early and told myself, everyone would be in full PPE & N95 masks- kakayanin namin... i woke up still coughing, with sinus congestion, a persistent headache and fatigue. We did my hair & makeup & proceeded to the studio.

“It was there that i started to lose my voice because of the nonstop coughing & my BP had gone up to 150/100.”

Nito lamang ika-7 ng Nobyembre, lumabas din agad ang resulta ng ilan pang test sa grupo nina Kris at magandang balita naman na negatibo ang mga ito. Gayunpaman, mayroon pang isang test sa ika-10 ng Nobyembre na dapat pagdaanan ng host at kanyang team para tuluyang masigurado na ligtas silang lahat sa COVID-19.

Kaya naman, patuloy ang pagdadasal nito na maayos at negatibo pa rin ang resulta ng isasagawa sa kanilang test. Sa kabila ng mga negatibong resulta sa nauna niyang mga tests, minabuti pa rin ni Kris na i-isolate ang sarili mula sa mga anak upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

“I continue to pray na simpleng sinusitis, ubo, at laryngitis lamang ang meron ako… to be safe, naka isolate pa rin ako from my sons. i’m keeping myself well hydrated, naka bed rest, at ang challenge for me- total vocal rest,” saad pa ni Kris.

Source: kami


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment