Ang pagbubuntis ng maaga o sa murang edad ay kadalasang hindi inaasahan. Lalo na sa mga kabataang hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral, nagkakaroon ng trabaho, o nakakasal, ang pagbubuntis ay hindi inirerekomenda dahil hindi ito madali at isa itong malaking responsibilidad.
Kaya naman, ang teenage pregnancy ay kailanman hindi hinikayat na gayahin ng iba. Sa murang edad, marami pa sanang pangarap at gustong marating sa buhay ang mga kabataan ngunit, dahil sa teenage preganancy ay kailangan nila itong ipagpaliban o itigil dahil sa malaking responsibilidad na kanilang pinasukan.
Ngunit, kaiba ang kaso ng isang babaeng ito na kahit napaaga ang pagbubuntis, hinikayat niya pa ang ibang mga kabataan na subukan daw ang teenage pregnancy!
Base sa isang Facebook post nito sa isang Facebook page, 15 taong gulang pa lamang umano siya nang unang mabuntis. Napakabata nito kung tutuusin ngunit alam niya raw ang kanyang ginagawa. Gayunpaman, ngayon ay nagbubuntis na naman ito sa ikalawa niyang anak sa edad na 17 lamang!
Katwiran ng naturang babae, ang mahalaga naman umano ay hindi niya ipinalaglag ang kanyang anak. Pagdidiin pa nito, hindi naman daw masama ang maging isang batang ina! Katwiran na lubos namang tinutulan ng maraming mga netizen.
Dagdag pa ng naturang babae, nandyan naman daw kasi ang mga magulang niya upang tumulong na itaguyod ang kanyang mga anak. Nakakalokang ani pa nito, sulit naman daw ang hirap ng teenage pregnancy.
Ngunit, lubosang nawindang ang mga netizen nang sinabi ng babaeng ito na dahil umano sa COVID-19 kaya dapat lamang na magmadali na daw ang mga kabataan at magbuntis na lamang! Katwirang baluktot na talagang hindi ikinatuwa ng mga netizen.
“I'm 17 and pregnant sa aking second baby. Yes! Nung pregnant ako sa first baby ko I was 15 years old tumigil ako sa school because may blessing na dumating sa buhay ko, hindi i masama maging batang ina at least hindi nagpalaglag diba?
“Andiyan ang mga parents natin para tumulong itaguyod lahat ng pangangailangan ng baby natin, mahirap maging batang ina guys pero worth it! Try it! I AM PROMOTING TEENAGE PREGNANCY. Para sa bayan! Dahil nauubos ang mga tao dahil sa Virus, oras na para magpadami tayo! Spread love guys,” saad pa nito sa kanyang Facebook post.
Proud na proud ito sa bagiging batang ina at single mother na talagang hindi ikinatuwa ng maraming mga netizen. Ani ng mga ito, ang pagbubuntis ay nakapaghihintay naman at hindi dapat minamadali.
Ang paghihintay na tumungtong muna sa legal na gulang, pagtatapos sa pag-aaral, at pagkakaroon ng muna ng trabaho bago mabuntis ay isa sa piankamagandang regalo na maaaring ibigay ng isang anak sa kanyang mga magulang.
Kaya naman, ang pagbubuntis ng maaga kahit hindi pa nito kayang bumuhay ng bata ay dagdag responsibilidad lamang sa mga magulang na una palang ay hirap nang itawid ang pang-araw-araw ng kanilang pamilya. Komento pa nga rito ng isang netizen,
“Akala ko ba, proud to be a batang ina? Eh bakit inaasa mo naman ang responsabilidad mo sa mga magulang mo? Don’t get hurt girl ha? Sa totoo lang, naaawa ako sa mga batang ina kasi di nila naranasang i-enjoy ang pagiging dalaga then pati magulang mo, nagkakaproblema din ‘yan kasi sasandal at sasandal ka pa rin sa kanila kahit sabihin mo na kaya mo.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment