Hindi nagpatinag ang beteranang news anchor at journalist na si Korina Sanchez sa isang basher na nagbato sa kanya ng akusasyong sumailalim daw siya sa palstic surgery.
Sa Instagram, nagbahagi ni Korina ng isang larawan upang batiin ang pagkapanalo nina Joe Biden bilang presidente at Kamala Harris bilang bise-prsidente ng Amerika.
“A new day in America. A new day in the world. Welcome back,” ani pa rito ni Korina.
Dito, isang netizen ang nag-iwan ng isang komento na hindi nagustuhan ng mga tagasuporta ng mamamahayag at ni Korina mismo. Isang netizen lang naman ang nag-akusa kay Korina na sumailalim umano ito sa pagpaparetoke o plastic surgery.
“Korina, bakit ka binitiwan ni Noynoy? Dahil ba sa plastic surgery ng face mo after your car accident?” ang komento pa rito ng naturang basher.
Ngunit, imbes na huwag pansinin ang naturang pambabatikos katulad ng madalas na ginagawa ng ilang mga personalidad, hindi nagpatalo si Korina at matapang na sinagot ang basher na ito. Dito, diretsahang sinagot ni Korina ang netizen at isinaad na,
“Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?”
Dahil dito kaya maraming mga netizen ang naglabas din ng kanilang opinyon tungkol sa pagpatol na ito ni Korina sa naturang basher. Mayroong iba na hindi nagustuhan ang ginawang ito ni Korina at ang pagdamay pa raw nito sa magulang ng basher.
Gayunpaman, mas marami pa rin ang sumuporta sa mamahayag sa ginawa nitong pagsupalpal sa naturang netizen na nag-iwan sa kanya bg maling akusasyon. Ani ng mga ito, tama lamang na sinagot ito ni Korina lalo na’t nandamay din naman umano ito ng ibang pangalan.
Ani pa nga ng mga netizen tungkol dito:
“...bastos ka kase pati aksidente at si Pnoy dinamay mo. Anu connection non.”
“Si ate Koring talaga ang maldita sa mga bashers niya, ayaw patalo!!!! I love you talaga Ms. Koring!!!
“You are asking about her looks.. kesyo iniwan ni Noy about that. How about we ask about how u look too?”
Bagama’t nagkaroon ng magandang pagbabago sa mukha ni Korina tulad ng pagliit nito, naging bukas naman ang mamamahayag sa mga proseso na kanyang pinagdaanan ngunit, pinabulaanan nito na hindi siya sumailalim sa anumang plastic surgery.
Sa tulong ni Dra. Vicki Belo ay na-achieve ni Korina ang mukha nito ngayon ngunit, walang anumang plastic surgery na isinagawa rito ang celebrity dermatologist. Minsan pa nga nitong saad,
“People who haven't seen me in a while or maybe haven't started following me on IG or FB are wondering aloud: HOW DID SHE GET THAT THIN? How did her face get that small?
“Now, for those wondering: HOW DID HER FACE GET SO SMALL? Ok, mayroong himala. Care of Dra. Vicki Belo, haha!”
Kaugnay nito, kamakailan lang ay umani ng iba’t-ibang mga papuri si Korina dahil maliban sa magandang mukha ay napanatili rin nito ang magandang pangangatawan sa kabila ng edad nito na lagpas 50 na. Proud ito sa kanyang katawan kaya kadalasan ay nagbabahagi ito ng mga bikini photos sa kanyang Instagram.
Si Korina ay kasal sa politiko at dating senador na si Mar Roxas. Mayroong kambal na anak ang mga ito, ang cute na cute na sina Pilar at Pepe.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment