Maparaan talaga ang mga Pinoy. Ilang beses na itong napatunayan sa iba’t-ibang sitwasyon gaya na lamang ng kalamidad at sakuna.
Kamakailan lamang, sa pananalasa ng super typhoon Rolly sa bansa, maliban sa matinding paghahanda ay alam ng mga Pilipino na malaki pa rin ang tyansang masira ang kanilang mga bahay at liparin ang kanilang mga bubong.
Sa dami ba naman ng bagyong pumapasok sa bansa bawat taon at sa tindi ng mga pinagdaanan dati sa mga malalalakas na bagyo, alam na ng mga ito kung ano ang nakaabang at nakatakdang mangyari sa tuwing mananalasa na naman ang isang bagyo.
Kaya naman, isang paraan ang naisip ng Pinoy na ito para hindi siya mahirapang hanapin ang kanyang bubong sakaling liparin ito ng malakas na hangin.
Sa ilang mga larawan nito na agad naging trending sa Facebook, makikita ang ilang mga yero sa bubongan na mayroong nakasulat na pangalan ng may-ari. Maliban dito, para madaling maisauli sa kanila ang nga yero ay nilagyan niya rin ito ng address at contact number. Talino diba?
Dahil sa kakaibang paraan na ito kaya hindi mapigilang mamangha ng mga netizen. Karamihan pa sa mga ito ang natawa dahil sa masyado raw na paniniguro ng nakatira sa naturang bahay o ang may-ari ng bubong.
Gayunpaman, kahit nakakatawa ang ginawang ito ng naturang Pinoy ay naiintindihan naman ito ng naturang mga netizen. Isa nga namang praktikal na paraan ang ginawa nito para madali niyang mahanap ang mga yero kapag ito’y nilipad ng hangin.
Kung sakali, makakatipid pa ito sa perang ibibili sana ng bagong mga yero kapag inilipad ang naturang bubong at hindi niya na ito makita o makilala. Isa pa, nagpapakita lamang ito ng pagpapahalaga ng naturang Pinoy sa isang bagay na pinaghirapan nitong bilhin o makuha.
Sa hirap din kasi ngayon ng buhay lalo na at mayroong pandemya, ang pagkukumpuni ng bahay at pagbili ng bagong materyales gaya ng mga yero na nilipad ng bagyo ay dagdag pahirap lamang sa mga pamilyang ito.
Iwas away din umano ang paraan na ito kung sakaling magkalituhan o mag-agawan ang mga magkapitbahay dahil pare-prehong nilipad ng bagyo ang kanilang mga bubong.
Heto pa ang ilan sa mga naging opinyon ng mga netizen tungkol sa mga larawang ito:
“Good vibes lang si kuya kahit na sa totoo lang nakakadurog. Pinaghirapan niya kasi pinambili niya ng bubong nila. Kung tayo nga dati simpleng ballpen nilalagyan natin ng name dahil mahalaga satin at ayaw natin mawala. Godbless sayo kuya! Kapit lang.”
“Naappreciate ko ‘yung ginawa ni kuya sa hirap ng buhay ngayon. Kaya wag po sana natin tawanan.”
“Kahit sa ganitong sitwasyong nagagawa pa rin natin maging positibo sa mga bagay. Mag-ingat po ang lahat.”
“Very good. Sa panahon ngayon na nasa krisis ang bansa, dapat nakalaan ang pera sa pagkain ng pamilya. So, the owner is just making sure na hindi sya gagastos para sa construction materials at sa pagpapakumpuni ng bahay nya.”
“Nakakatawa po. Pero nakakaawa din at the same time kasi nga ‘pag nilipad iyon, mahirap bumili kasi ubos ang kabuhayan. Feel you kuya. Keep safe po”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment