Friday, November 13, 2020

Marco Gumabao, Inamin na Nagkagusto Ito Dati kay Julia Barretto

Sa unang episode ng ‘Drink and Spill’ segment ni Julia Barretto sa kanyang vlog, ang aktor na si Marco Gumabao ang kanyang nakapanayam kung saan, ilang mga pag-amin ang kanyang naibahagi.

Sa isang bahagi ng vlog, naitanong dito ni Julia kay Marco kung nagkaroon ba raw ng pagkakataon na nagkagusto ang huli sa kanya.

Noong una, patawa-tawa pa ang aktor habang pabirong sinasabihin ang kaibigan na ang kapal daw ng mukha nito para itanong iyon sa kanya.

“Kapal ng mukha nito, my god! Seryoso ka ba na tinatanong mo iyan?!” ani pa ni Marco.

Natatawa mang pareho ay sinagot din ni Marco ang tanong at walang pagdadalawang-isip na inaming nagkagusto nga ito dati kay Julia. Sa katunayan, alam naman daw ito ng aktres dahil inamin niya ito sa kanya dati.

“Oo naman! Duh, ano ba naman. As if naman… Alam na alam ni Julia ‘yan. Siya nagprepare ng questions dito,” saad pang muli ni Marco.

Hanggang sa ikinwento ng nga ng aktor ang storya sa likod ng pag-amin niyang ito dati kay Julia. Pagbabahagi pa ni Marco.

“Before, siyempre, lagi kaming magkakasama… as in every week. Like three times a week, magkasama kami. Minimum yun…

“Siyempre, mahihirapan kang di ma-attract sa kaibigan mo, diba? Pero thankful rin ako na we stayed as friends… because, solid talagang kaibigan si Julia.”


“Minalas siya kasi di niya ako sinagot,” dagdag pa ni Marco na talaga namang nagpatawa sa aktres.

“So, yeah. Dumaan naman ako before sa phase na… ‘yun nga, I liked Julia. Wala, bata pa talaga kami noon. We were like… nineteen siya…eighteen? Ako, mga twenty-one lang yata ako noon,” pagbabahagi pa ulit ni Marco.

Para naman kay Julia, aminado siya na noong mga panahong iton ay hindi pa siya handa at kakagaling niya pa lamang daw sa isang break-up. Ani nga ni Marco, heartbroken daw noon ang aktres.

“You know what's great with that event happening in our friendship? We were never awkward after that time! And it never really did anything bad for our friendship. In fact, I think it made it stronger…

“I told him at that time, I said that I respect him so much… I’d just gotten out of a relationship…

“Sinabi ko naman sa kanya na, ‘I’m so proud of you and so brave of you to… you know, tell me about how you feel about me and I appreciate it. But also, really at that time… I wasn’t ready yet,” ani pa ni Julia.

“Wrong timing ako,” ang ani naman ulit dito ni Marco.

Ayon naman kay Marco, alam daw ng kanilang mga kabarkada na nagka-crush siya dati kay Julia. Nasa tatlo o apat na taon na rin naman umano ang lumipas mula nang pangyayaring iyon sa kanila. Dagdag payo pa nga ni Marco sa mga manonood, huwag daw mahiya ang mga ito na umaming may gusto sila sa isang tao.

Huling hirit naman ni Julia, hindi lang daw crush ang naramdaman sa kanya ni Marco dahil na-inlove naman daw talaga ito sa kanya.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment