Friday, November 13, 2020

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin, Nawasak Din ni Bagyong Ulysses


Naranasan din nina Vice Ganda at Ion Perez ang hagupit ni bagyong Ulysses nang maabutan sila nito sa Balesin Island sa Polilio, Quezon. Nasa bakasyon noon ang dalawa kasama ang kaibigan at kapwa host sa It’s Showtime na si Jhong Hilario nang humagupit sa Quezon ang bagyo.

Ayon sa tweet na ibinahagi ni Vice nitong Huwebes matapos na maglandfall sa probinsya si bagyong Ulysses, tatlong beses umano silang nagpalipat-lipat dahil sa pagkasira ng kanilang tinutuluyang villa.

Noong una, nagbagsakan umano ang mga puno sa kanilang tinutuluyan kaya ito nawasak at kinailangan nilang mag-evacuate. Ngunit, kinailangan ulit nilang lumipat dahil walang tubig at kuryente ‘yung pinaglipatan nila sa luxury resort.

Ang Balesin Island Club ay nasa Polilio, Quezon na siyang probinsya na isa sa pinakasinalanta ni bagyong Ulysses.

“Nakakatakot na dito! Lord God please keep us all safe.

“Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin. Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin. Ung pinaglipatan nman namin nawalan ng kuryente & water supply so lumikas kmi ulit. Mejo kalamado na ngayon. Salamat sa Diyos!” tweet pa ni Vice.

Maliban kay Jhong ay kasama din ng mga ito ang girlfriend ng host at isang kapatid ni Vice. Sa kanilang mga social media accounts ay panay ang pagbabahagi ng mga ito ng mga larawan ng iniwang pinsala ni bagyong Ulysses sa luxury resort. Ika-10 ng Nobyembre nang lumipad ang mga ito sa Quezon at hindi nila inaasahan ang kanilang naranasan sa pagdaan doon ng bagyo.


Maliban sa Quezon, matindi din ang dulot ni bagyong Ulysses sa Metro Manila kung saan, lubog sa baha ang maraming mga lungsod. Kaya naman, muing nagbahagi ng mga tweet si Vice ng mga numero o hotline na maaaring tawagan para makatulong sa mga hindi pa rin nare-rescue.

“To all my Little Ponies pls retweet posts containing EMERGENCY NUMBERS. That may be very helpful. Let’s just make sure the numbers are legit.  If there were wrong numbers that I retweeted pls feel free to correct [them],” ani pa ni Vice.

Inihayag din ng komedyante ang kanyang pag-aalala sa mga hindi pa rin naaabot ng mga rescuers lalo na noong nagsimula nang dumilim o gumabi. Nagkalat pa rin kasi sa social media ang mga indibidwal na humihingi ng tulong at hanggang ngayon ay nag-iintay ng sasagip sa kanila habang sila ay nananatili sa bubongan ng kanilang mga bahay.

“Sana pwedeng bumagal ang oras para di agad dumilim. Mas magiging mahirap para sa napakaraming nasalanta pati na rin sa mga nagrerescue ang operasyon pag madilim. God bless everyone,” ani pa ulit ni Vice.


Dahil sa dami ng mga dapat pang irescue, tumulong na rin ang ibang mga personalidad tulad ng mga vlogger at artista para mapadali ang mga rescue operations. 

Ang vlogger na si Donnalyn Bartolome ay bumili ng mga magagamit na rubber boats sa pagrescue habang ang mag-asawang Jericho Rosalis at Kim Jones ay ginamit ang kanilang mga surfboards sa pagrescue sa kanilang mga kapitbahay na nalubog sa baha.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment