Friday, November 13, 2020

Prediksyon ni Rudy Baldwin sa Cagayan, Nagkatotoo!


Sa katakot-takot na nagyayari ngayon sa Cagayan Valley dahil sa patuloy nitong pagkalubog sa baha bunsod ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam, isang nakakatakot na prediksyon ang iniwan ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin.

Sa isang Facebook post na ibinahagi nito kamakailan lang, sa isang larawan ay makikita ang isang prediksyon ng mangyayari umano sa Cagayan at Samar. Dito, maliban sa isa umanong bagyo ay mayroong lindol na tatama sa Cagayan kaya pinag-iingat at ipinagdarasal niya ngayon ang mga taga-roon.

“UNAWAIN NYO ANG POST NATO NG MABUTI. MINSAN TALAGA KAILANGAN NG COMMON SENSE .

“MGA TAGA CAGAYAN KAILNGAN  KO SABIHIN SA INYONG LAHAT ITO SA MGA DARATING NA MGA ARAW NAKIKITA KO SA VISION KO ANG LINDOL NA MANGYAYARI PA LAMANG.

“MANALANGIN ANG LAHAT DAHIL SA DIOS SYA LANG MAKAPAG BAGO SA LAHAT,” ani rito ni Rudy.

Sa larawan na kanyang ibinahagi, makikita ang inihayag niyang prediksyon dati kung saan, maliban sa sinasabi nitong lindol ay isa umanong aksidente malapit sa Cagayan river ang mangyayari.

“#CAGAYAN DE ORO AT VALEY NAKIKITA KO SA VISION KO PAREHO LANG SA SITWASYON NG SAMAR. LINDOL NA TUMAMA SA LUPA AT TUBIG NGUNIT SA MAY CAGAYAN RIVER ISANG AKSIDENTE D’YAN ANG MANGYAYARI KAYA KUNG MAAARI LAMANG MAGING MAINGAT PAG KAYO AY NASA TUBIG,” ang ilan pa nga sa nakasaad sa larawan.


Ang karagdagang babala na ito ng psychic ay labis namang ikinabahala ng marami lalo na’t patuloy pa rin ngayon ang paghingi ng tulong ng maraming mga kababayan sa Cagayan at Isabela na kasalukuyang lubog pa rin sa tubig.

Nakakatakot at nakakaawa ang mga larawang kumakalat ngayon sa social media kung saan, makikita ang paghingi ng tulong ng maraming mga taga-roon at patuloy na naghihintay ng tulong; nagdarasal na bago pa tumaas at malunod sila sa tubig ay mayroon nang darating na rescue.

Ngunit, dahil sa limitadong mga kagamitan at kakulangan umano sa mga resuers ay pahirapan ang pagsagip sa mga stranded na ito sa Cagayan. Sa social media ay patuloy ang paghingi ng mga tulong kung saan, maririnig ang patuloy na pagsigaw ng mag residente sa mga rescuers.



Ang nakakabahala rito ay ang bilang ng umano’y nasawi na dahil sa hindi pa rin naaabot ng mga rescuers at tuluyan na lamang na nalunod ang mga ito.


Patuloy na pinapa-trend ang #CagayanNeedsHelp, #RescuePH, #RescueTuguegarao, #IsabelaNeedsHelp, at ng mga numero na maaaring tawagan ngayong patuloy pa rin ang mga rescue operations. Dahil sa zero visibility na ang maraming mga lugar sa Cagayan, hinihikayat ang mga ito na magbukas ng kanilang mga ilaw o sumigaw para matunton ng mga rescuers.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment