Sunday, November 1, 2020

Xian Gaza, May Rebelesyon Daw Tungkol sa Totoong Namagitan sa Kanila ni Ella Cruz Dati


Mayroon na namang bagong rebelasyon ang kilalang businessman at scammer umano na si Xian Gaza. Ito ay ang tungkol sa katotohanan tungkol sa namagitan sa kanila dati ng aktres na si Ella Cruz.

Kung matatandaan, nadawit ang pangalan ni Ella nang magtrending dati si Xian matapos nitong gumawa ng billboard ad para yayain magkape ang aktres na si Erich Gonzales. Lumabas noon ang balita na mayroon silang relasyon dati ni Ella ngunit, una na itong itinanggi ng aktres.

Sa isang vlog na inilabas ni Xian, mayroon itong mga inilahad na rebelasyon tungkol sa ginawa raw sa kanya ni Ella at ng pamilya nito. Mabigat pang rebelasyon dito ni Xian,

“After akong gamitin at gatasan sa loob ng tatlong buwan, buong pagkatao ko ay siniraan lamang. Ang mapamahal sa kanilang pamilya ay isang malaking katangahan…”

Ayon kay Xian, nagsimula umano ang lahat nang maging business partners ito at si Ella. Ito umano ang dahilan kung bakit naisilang ang ‘EC Dance Company’ ng aktres. Sa pagiging magpartner nila sa negosyo, nabuo raw ang kanilang lumalalim na pagkakaibigan.

“Our business went well at bawat oras na lumilipas eh mas lalong lumalalim ang aming pagkakaibigan. Two to three times a week kami’y magkasama. In-love na in-love ang Kuya mo Xian. Together ay nag-sky diving pa nga sa Bantayan Island,” kwento pa nito.

Ngunit, isang pangyayari raw ang nagpabago nito kung kaya nag-iba ang relasyon ni Xian kay Ella at sa pamilya nito. Ito ay nang ini-offer sa kanya ng pamilya ng aktres ang isang sasakyan ngunit, nang hindi mabayaran ni Xian ay ibinalik na lamang ito sa kanila.


Dahil daw dito kaya siya binansagang scammer ng nanay ni Ella sa national TV. Pagbabahagi pa nito sa nangyari,


“Third week of Decemeber 2016, pag-uwi namin sa Manila from Cebu, nag-message sa akin ang kanyang ina. Binebenta daw nila ang kanilang Toyota Fortuner at Php 650,000. Baka daw interesado ako. Sa kagustuhan kong magpasikat sa kanyang pamilya, ako ay napilitang umoo kahit wala naman akong budget para dito. Nagkasunod kami sa 2 gives --- paunang Php 300,000 at final payment na Php 350,000. Nag-issue ako ng isang post-dated check…

“Araw na ng deposit on December 30,206. Tumalbog ang cheke dahil wala akong pampondo. Nag-message sa akin ang ama ni Ella na magsulian na lamang daw kami with Php 50,000 penalty bilang danyos sa perwisyong naidulot ko sa kanila. Isinauli ko ang unit tapos isinauli naman nila sa akin ang Php 250,000 at ang tumalbog na cheke. After that ay ginhost na ako ni Ella at hindi na nagparamdam kailanman.

“Seven months later on July 4, 2017, kasagsagan ng aking coffee date billboard, sinabi ng nanay ni Ella sa national news na stalker daw ako at ini-scam ko daw ang kanilang pamilya. At dahil siya ay ina ng isang artista, buong bansa ay naniwala. Kawawang Xian ay walang kalaban-laban…”


Minsan nang inamin ni Ella na naging business partners nga sila ni Xian ngunit hanggang pagkakaibigan lang daw ang namagitan sa kanila. Sa nangyari sa kanila ni Xian, natutunan daw ng aktres na huwag agad magtiwala sa ibang tao kagaya nito.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment