Monday, November 2, 2020

Pag-eeskandalo Noon ni Michelle sa Tacloban, Ibinunyag ng Dating Event Organizer ni Tekla


Patuloy na lumilitaw ang mga kaibigan at kakilala ni Tekla na naglalahad ng umano’y totoong pagkatao ng live-in partner ng komedyante na si Michelle Lhor Bana-ag.

Mula sa mga pahayag nina Donita Nose na gumagamit si Michelle ng ipinagbabawal na dr*ga, ilan pang mga kakilala ni Tekla ang naglalabas ng umano’y tunay na baho ni Michelle.

Ang pinakahuli ay ang paglalahad ng umano’y dating event organizer ni Tekla sa isang pangyayari noon sa Tacloban City kung saan, nag-eskandalo umano si Michelle at naging duguan pa si Tekla.

Ayon kay Winston Jay Ladera, noong 2017 daw ay gumawa ng gulo si Michelle sa Tacloban kung saan, nasaktan at nasugatan si Tekla dahil lamang sa isang bagay na ginawa ni Tekla na hindi nito nagustuhan.

Paglalahad pa nga ni Winston, hindi na raw siya nagulat nang lumapit si Michelle sa programa ni Raffy Tulfo para ilahad ang umano’y reklamo nito. Ayon sa kanya, sigurado ito na si Michelle daw ang mayroong mali sa kanilang dalawa ni Tekla.

“Hindi naman po ako masyadong na-shock kasi 3 years ago mas worst pa yung nangyari rito sa Tacloban… For me hindi si Tekla yung may problema,” saad pa nito.

Ang tinutukoy nitong insidente sa Tacloban ay nangyari raw noong ika-23 ng Setyembre, 2017. Pagkukwento ni Winston, nagulat na lamang sila na mayroong nangyayaring gulo sa ikalawang palapag ng hotel na tinutuluyan nina Tekla.

Nang buksan nila ang kwarto ng dalawa, nagkalat na raw ang mga plato pati pagkain tulad ng spaghetti. Basag basag na raw ang mga ito at na siyang dahilan kaya nagkaroon ng mga sugat si Tekla.


Duguan umano ang kamay at leeg ng komedyante nang maabutan ito nina Winston at ng mga naroroon sa hotel.

“Meron daw nagkagulo sa 2nd floor, pagdating namin dun pagbukas yung pinto nagkalat ang mga spaghetti, may basag na plato at tsaka yun wine… Duguan si Tekla sa may kamay, at sa mukha sa may leeg,” kwento pa nito.

Ang dahilan ng gulong ito ay dahil lamang umano nagalit si Michelle nang gisingin ito ni Tekla para kumain o mag-almusal dahil oras na para sila ay umalis at pumunta ng airport. Dahil lamang sa mababang rason na ito kaya pinagbabasag ni Michelle ang mga nilagyan ng kanilang pagkain.

Ang malala pa umano rito ay nang hindi pa nakuntento si Michelle at patuloy pa na nag-eskandalo sa baba ng naturang hotel. Nagwala umano ang live-in partner na ito ni Tekla na animo’y walang pakialam sa lahat ng mga naroroon.


“Yung girl medyo nagwawala na siya,” dagdag pa nito.

Wala umanong nagawa si Tekla sa nakakahiyang pag-eesakandalong ito ni Michelle. Paulit-ulit pa umano nitong isinisigaw na sisirain niya ang career ni Tekla.

Ang lahat ng ito ay dahil lamang sa nabwisit siya sa mababang dahilan na paggising dito ni Tekla. Sinubukan umano itong pakalmahin ng komedyante ngunit hindi talaga matigil si Michelle sa pag-eeskandalo nito nang walang kabuluhan.


Isa lamang ito sa iba pang mga kwento o paglalahad ng mga umano’y nakakakilala sa totoong pag-uugali at baho ni Michelle. Dahil sa mga ito kaya inihahayag ng mga netizen na pakinggan muna ang panig ni Tekla bago paniwalaan ang mga inilahad ni Michelle.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment