Sa gitna ng umano’y kontrobersiya sa naganap na Miss Universe-Philippines 2020, nagsalita ang isa sa mga kandidata at Top 16 na si Miss Davao Alaiza Malinao upang depensahan at ipagtanggol ang nanalong si Miss Iloilo na si Rabiya Mateo.
Matapos ang kompetisyon, mayroong mga alegasyon nagsasabing nilabag daw ni Mateo ang isang patakaran sa pageant na bawal magdala ng sariling Hair and Make Up team ang mga kandidata.
Ayon sa mga pahayag na kumalat sa Twitter, nagdala umano si Mateo ng sarili nitong HMU team na siyang tinutukoy raw ng ilan na ‘unfair’ o hindi patas para sa ibang mga kandidata.
Kaugnay nito, naglabas ng pahayag si Malinao para pabulaanan ang naturang tsismis at depensahan si Mateo mula sa mga alegasyong ito sa kanya.
Ayon kay Malinao, patas umano ang pagkapanalo ni Mateo sa korona at hindi ito nandaya. Sa katunayan, saksi ito sa pagiging ‘masipag’ ni Mateo na madalas ini-ensayo ang kanyang lakad at Q and A skills.
Pagdidiin pa ni Malino, si Mateo lamang ang nag-ayos sa sarili nito na taliwas sa mga akusasyong mayroon itong dalang grupo na nag-ayos sa kanya. Pahayag pa ni Malinao tungkol dito,
“So deserving!!! Siya lang po nag me-make-up sa sarili niya.
“Habang naghihintay kami sa holding area si Rabiya nasa gilid yan nag papractice mag Q&A nung prelims, rumarampa yan sa hallway, sa labas ng holding area namin para mag practice ng swimsuit walk niya. MASIPAG si dzai. She worked hard! She's fair! She did not cheat. She Is a deserving winner!
“Congratulations @rabiyamateo our Miss Universe Philippines 2020! She is our queen!”
Ang mga kontrobersiyang ito ay nagmula nang dahil sa umano’y mga ‘cryptic’ na Instagram stories ng kandidata at Top 16 na si Sandra Lemonon. Ayon kay Lemonon, mayroon umano itong ibubunyag na katotohanan sa takdang panahon.
“Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say Is that REAL queens Play FAIR don’t CHEAT,” saad pa ni Lemonon sa isa sa mga ibinahagi nitong IG stories.
Mas pinag-usapan pa ng mga netizen ang tungkol dito ng mapansin nila na in-unfollow umano ni Lemonon at MU-Ph 2nd runner up na si Michele Gumabao si Mateo. Hindi rin sumipot si Gumabao sa isang event pagkatapos ng pageant kung saan, nandoon dapat ang itinanghal na top 5.
Kaugnay naman sa umano’y dapat na pagtanggap na lamang sa resulta ng kompetisyon, mayroong inilabas na makahulugang pahayag si Shamcey Supsup na national director ng prestihiyosong pageant. Ani nito,
“To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility -- these are the marks of a true QUEEN.”
Kamakailan ay nagbigay na rin ng pahayag si Gumabao tungkol sa hindi nito pagsipot sa naturang event na dapat ay naroroon ito bilang bahagi ng top 5. Ayon kay Gumabao, tanggap umano niya ang resulta ngunit hindi nito kaya ang mga paulit-ulit na tanong sa kanya na ‘bakit’.
“I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks I couldn't handle that. I can handle defeat hahahaha I can't handle the people asking me why why why… I'm sharing this with you because you deserve to know my side, we don't need to defend to anyone. I did my very best and I have no regrets,” pahayag pa ni Gumabao.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment