Monday, November 2, 2020

Lie Reposposa, Itinanggi ang Akusasyon na Sumailalim ito sa Plastic Surgery


Nitong nakaraang mga linggo, naging paksa ng ilang mga netizen ang dating PBB housemate na si Lie Reposposa matapos mapansin ng mga ito na mayroon daw pagbabago kay Lie.

Nakatanggap ang singer ng mga akusasyon na nagparetoke umano ito o sumailalim sa plastic surgery para magpaganda. Kaya naman, sa isang panayam na pinaunlakan nito kamakailan lang sa isang sikat na news site, mariing itinanggi ni Lie ang alegasyon na siya ay nagparetoke.

Bagama’t inamin nito na sinikap niyang ma-improve ang kanyang sarili, ang pagpaparetoke o plastic surgery ay hindi niya umano ginawa.

“Sa totoo lang, di ko po masisi yung mga ayaw maniwala pero alam ko naman po sa sarili ko na hindi po talaga ako nagparetoke tsaka self improvement lang naman po talaga yung ginagawa ko at wala naman po akong nakikitang masama doon,” ani pa nito.

Bago ito, minsan na ring nagbigay ng pahayag si Lie tungkol sa mga pamumunang ito sa kanya sa social media dahil nga sa magandang pagbabago na nakikita ng mga ito sa singer.

Sa mga larawan na ibinahagi nito sa Instagram, agaw-pansin sa mga netizen ang umano’y mas magandang look ngayon ni Lie at maging ang pag-iba rin ng kulay ng kanyang balat. Maliban dito, napansin din ng mga netizen ang magandang pangangatawan ngayon ni Lie.

Dahil dito kaya hindi naiwasang akusahan siya sa social media na nagparetoke. Gayunpaman, sa isang vlog ay una nang nilinaw ni Lie na walang katotohanan ang nasabing akusasyon.


Paliwanag pa nito, bukod sa hindi pa umano tama ang kanyang edad para sumailalim sa pagpapretoke, wala rin umanong pera si Lie para sumailalim sa ganong proseso. Ani pa nito,

“Unang-una po sa lahat, hindi po ako nagpa-retoke. Totoo po ‘yan. Wala po akong pera pang-retoke at siyempre underage po, bawal po magpa-retoke.”

Maliban sa pagpaparetoke ay inaakusahan din si Lie na gumagamit daw ito ng pampaputi o ilang mga produkto para magkaroon ng mas maputing balat. Ang akusasayong ito ay itinatanggi din ni Lie at sinabing dahil lamang sa quarantine kaya naging ganoon ang kanyang kulay. Sa katunayan, ang mga ginagamit nitong produkto ay iyong nabibili lamang sa pangkaraniwang tindahan.

“Tapos ‘yong sinasabi nilang nagpa-gluta ako, hindi po totoo ‘yon. Hindi po ako nagpa-gluta pero feeling ko dahil sa lockdown, siyempre ‘di tayo nakalabas-labas, ‘di tayo naaarawan,” dagdag pa nito.

Tungkol naman sa mas ‘fit’ niya na ngayong pangangatawan, dahil umano iyon sa paglalaan niya ng oras para mag-ehersisyo araw-araw. Nakatulong din daw sa mga pagbabagong ito sa kanya ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Ayon kay Lie, wala naman umanong masama kung gugustuhin ng isang tao na mag-improve ang kanyang pisikal na anyo. Ang mahalaga naman umano ay kung masaya ka sa iyong ginagawa.

“Kung sino man nanonood ngayon, may igaganda pa po talaga kayo. Huwag po kayong mag-stick na hanggang d’yan lang ‘yong kaya n’yo. Pwede naman kayong mag invest-invest sa sarili n’yo ‘onti… 


“Kasi meron naman pong iba na nasa kanila na ang lahat pero ‘di pa rin sila masaya. Kaya be yourself, be confident, tapos mag-set din po kayo ng goals ng kung anong gusto n’yo sa buhay. Tapos maging satisfied din kayo sa kung anong meron kayo,” dagdag mensahe pa nga ni Lie.

Source: kami

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment