Nito lamang Huwebes, ika-26 ng Nobyembre, gumulat sa publiko ang balitang pumanaw na ang frontman ng Filipino heavy metal band na Slapshock na si Vladimir ‘Jamir’ Garcia. Ayon sa ulat, suic1de umano ang dahilan ng pagpanaw ng OPM icon.
Ngunit, gaya ng ilan pang nakakagulat na mga pangyayari ay nahulaan din umano ng tanyag na psychic na si Rudy Baldwin ang pagpanaw na ito ni Garcia. Kasabay ng pagpanaw nito ay ang pagkalat din ng Facebook post dati ni Baldwin kung saan, nabanggit nito ang tungkol sa pagpanaw ng isang kilalang tao.
Nakasaad pa sa naturang ‘vision’ ni Baldwin,
“Itong vision ko ay para sa mga taong kilala sa showbiz at sa industriya ng mga sikat. Isang kilalang tao ang magsu-su1cide…
“Sa nakikita ko sa vision ko, magulo ang isip niya kahit may mga kaibigan pa na nagbibigay sa kanya ng payo. Kahit gaano kabigat ang problema, huwag basta lang isuko ang buhay natin…”
Ayon sa mga netizen, sa pagpanaw ni Garcia ay mukhang ito umano ang tinutukoy ni Baldwin sa prediksyon niyang ito. Dahil dito kaya hindi maiwasang kilabutan ang ilang mga netizen kasabay ng pagkalungkot sa biglaang pagpanaw ni Garcia.
Mas lalo pang ikinalungkot ng mga ito ang umano’y dahilan ng pagpanaw ng singer. Nakakalungkot na isa na namang kilalang tao na nagbigay kahulugan sa buhay ng maraming tao ang hindi naisalba ang sarili mula sa depresyon.
Kaya naman, agad nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang publiko maging ang ilan pang mga kilalang tao sa industriya na nagulat din sa pagkawala ni Garcia. Ilan sa mga nagpaabot dito ng pakikiramay ay ang music cable channel na MYX na kinilala ang husay ni Garcia sa larangan nito.
“The MYX Philippines team extends our deepest sympathies to the loved ones of Slapshock frontman Jamir Garcia. A fierce performer on stage, Jamir was one of the nicest and humblest rockstars we’ve had the pleasure of working with. He will truly be missed in the OPM band scene,” saad pa nito.
Ilang mga netizen din ang naghayag ng kanilang pagkalungkot para sa pagpanaw ng kanilang ini-idolo na hinangaan nila noon pa man dahil sa musika nito.
Heto ang ilan sa mga ipinaabot na pakikiramay ng mga netizen sa pagpanaw ni Garcia:
“Funny how people who gave us the energy to keep on going are the ones who don't have enough energy to keep on going. RIP Sir Jamir. Magmomosh tayo ulit kung nasan ka man ngayon.”
“Been always a "lowkey-fan" of Slapshock and Jamir Garcia since elementary. I remember having my arm inked with "SLAPSHOCK" and "JAMIR" using my ballpen, every Friday ‘yun. Grew up listening to their songs, hanggang ngayon. Rest easy Jamir! Napakasakit sa puso.”
“Jamir.. rest in paradise brother! You left us broken but I sincerely hope you’re at peace up there. Slapshock will never be the same.”
Si Garcia, 42, ay natagpuang wala ng buhay sa tahanan nito sa Brgy. Sangandaan, Quezon City. Naisugod pa umano ito sa Metro North Medical Center and Hospital ngunit agad din itong idineklara na dead on arrival.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment