Wednesday, November 25, 2020

Jamir Garcia ng Metal Band na Slapshock, Natagpuang P4tay

Natagpuang wala ng buhay sa kanyang tahanan si Vladimir ‘Jamir’ Garcia, ang kilalang lead singer ng Filipino metal band na ‘Slapshock, nito lamang Huwebes, ika-26 ng Nobyembre.

Kinumpirma mismo ng mga Quezon City Police District ang tungkol sa pagkamatay ng OPM artist kaninang umaga sa kanyang tahanan sa No.14 Production St. Proj. 8 Brgy. Sangandaan, Quezon City. 

Ayon sa ilang ulat, suicide by hanging umano ang ikinamatay ni Garcia, 42 taong gulang, na nagbigti sa banyo ng sarili nitong tahanan. Ang live-in partner nito na si Sojina-Jaya Crisostomo ang nakadiskubre sa sa nagbigting frontman gamit ang kumot.

Isinugod pa umano nito sa MetroNorth Hospital si Garcia ngunit, idineklara itong dead on arrival. Saad pa sa isang ulat,

“Initial investigation disclosed, at stated TDPO witness-MANLAPAZ ordered by her Employer- SOJINA-JAYA CRISOSTOMO (Live-in partner of the Victim) to find the said victim, subsequently, same witness saw the latter hanging at the steel window using blanket around his neck inside the comfort room. 

“Hence, SOJINA-JAYA CRISOSTOMO, untie the said victim then rushed to METRONORTH HOSPITAL, however, Dr. ERMIN CABANELA his attending Physician declared the latter Dead on Arrival at about 10:20 AM of this date.”

Ikinagulat naman ng marami lalo na ng mga tagasuporta ni Garcia ang kanyang biglaang pagpanaw. Mayroong mga ulat na nagsasabing dumanas ng depresyon ang singer na siyang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Ilang linggo bago ito, lumabas ang balita ng pagkakadisband ng bandang Slapshock na kinabibilangan ni Garcia. Sa naturang ulat, sinasabing mayroong kinalaman kay Garcia ang nangyaring pagkaka-disband ng grupo na nagresulta pa sa umano’y pagsasampa rito ng kaso ng isa niya ring kagrupo.

Nakasaad pa nga sa ulat tungkol dito ng ‘Daily Tribune’,

“The scandal that was Slapshock lead singer Jamir Garcia being accused of unauthorized cash withdrawals from the band’s royalties from digital sales of songs, as well as misappropriation of talent fees belonging to Slapshock guitarist Jerry Basco, has led to the band’s breakup and a lawsuit filed against Garcia.”

Sa Twitter, agad naging trending ang pagpanaw na ito ng singer na labis na ikinalungkot ng marami. Heto ang ilan sa reaksyon ng mga netizen sa pagpanaw ni Garcia:

“This is a very sad day for our local music scene. Rest in peace to one of our musical heroes, Jamir Garcia of Slapshock.”

“one of my fave vocalist is gone… adios sir jamir of #Slapshock adios sir.. your music is always in my heart.”

“we lost another legend on the underground scene, hay. i remember being in the crowd when they performed at rakrakan festival. slapshock was a great band. rest in peace, sir jamir garcia.”

“From Chester Benington (Linkin Park) 2017 Down to Jamir Garcia (Slapshock) 2020… Two composers and vox who always saves us from depression but can’t even save theirselves. They took their own lives. YOU GUYS REALLY BROKE OUR HEARTS RIP.”

“Thank you for being part of my childhood, Sir Jamir! I hope you will find the peace that you are looking for.”


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment