Isa na namang hindi magandang prank ang pinuna ng publiko at ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya kung sino ang mga may kagagawan upang panagutin sa batas.
Sa Sto. Tomas, Davao del Norte, isang grupo raw ng mga kabataan ang nasa likod ng isang nakaka-alaramng prank kung saan, makikita ang isang lalaking duguan na nakabulagta sa isang kalsada.
Base sa 30-second video ng prank na ibinahagi sa social media noong ika-30 ng Oktubre, mukhang sinaksak daw ang naturang lalaking duguan na makikita sa video na umano’y dahil sa isang insidente na mayroong kaugnayan sa mga gang.
Ngunit, isa lamang palang prank ang naturang insidente na pakana ng isang grupo ng mga kabataan. Ang hindi magandang biro o prank na ito na kanilang ginawa ay nagdulot ng pagkaalarma sa publiko o public alarm at scandal.
Dahil dito kaya mayroong nangyayaring manhunt operation ang mga awtoridad sa Sto. Tomas, Davao del Norte para hanapin at panagutin ang nasa likod ng nasabing prank. Pinaghahanap ngayon ito ng mga awtoridad para humarap sa kanilang pagkakamali.
Gaya ng mga awtoridad ay hindi rin ikinatuwa ng mga netizen ang ginawang ito ng naturang mga kabataan. Ani ng mga ito, sana raw ay mahuli ang nasa likod ng prank at tuluyang makulong upang maturuan ng leksyon.
Masyado na umanong nagiging papansin ngayon ang mga kabataang ito na kahit ang hindi magagandang biro ay ginagawa nila para lamang makakuha ng atensyon. Kinailangan daw na maparusahan ang mga ito upang hindi na tularan ng iba pa.
Kung inaakala raw ng mga ito na nakakatuwa ang kanilang ginawa, hindi raw dahil hindi na umano tama at lumagpas na sa nararapat lamang ang ginawa ng mga ito.
Maaari umanong mayroong maaksidente dahil sa ginawa ng mga kabataang ito. Kapag nagkataon din daw na mayroong naniwala at rumesponde sa ginawa nilang prank, isa lamang umanong pagsasayang ng oras ng mga awtoridad ang kanilang maidudulot.
Pagdidiin pa ng mga netizen, malinaw daw na mali ang ginawa ng mga kabataang ito kaya dapat lamang na malaman ng mga ito na hindi maganda at nakakatawa ang kanilang ginawa. Nais ng mga netizen na maranasan ng mga kabataang ito ang maparusahan upang hindi na umulit pa sa kanilang kasalanan at mali.
Itigil na raw ng mga ito ang panggagaya sa kanilang mga nakikita sa YouTube at iba pang social networing site na mga bagay na walang naidudulot na mabuti.
Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen:
“This is never funny. Geez… those people should learn some lesson.”
“The hunt is on… Prank pa more! Sayang responde ng rescuers sa kagaguhan nyo! What if may kasabay kayong aksidente na 50/50 kalagayan na totoo, at inuna pa kayong ni rescue na nagpa-prank lng pala. Mga GAGO! Walang iiyak, ha.”
“Lakas kasi manggaya sa nakikita sa YouTube,. Pero di nila alam, lahat ng prank na ginagawa para sa YouTube ay may permit galing sa local police nila.”
“Not funny at all. Jail time!”
“Baka sinubukan kung gaano ka bilis magresponde ang mga kinauukulan. Pero mali padin ginawa nila.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment