Saturday, November 7, 2020

Sa Kabila ng Katandaan, Namumuhay ng Marangal ang Lolo at Lola na Ito Mula Cebu

Marami ang naantig sa mag-asawang ito mula sa Cebu na naninirahan sa isang kubo at naghahanapbuhay pa rin sa kabila ng kanilang katandaan.

Ayon sa isang viral Facebook post, nasa lagpas 80 na ang edad nina Noy Loloy at Nang Rita ngunit, naghahanap buhay pa rin ang mga ito upang mayroong pantustos sa araw-araw. Sa kabila ng malabong paningin, gumagawa pa rin ng banig si Nang Rita upang kanilang ibenta at kumita.

Wala umanong anak ang dalawa at silang dalawa lamang ang magkasamang naninirahan. Nakatira ang mga ito sa Purok 9 Banhigan, Badian sa probinsya ng Cebu.

Sa kabila raw ng hindi masaganang pamumuhay na mayroon sina lolo at lola, hindi nakatanggap ang mga ito ng anumang tulong mula sa pamahalaan. Kahit na sila ang mas nararapat na mabigyan ng tulong, mas pinipili raw nila Noy Loloy at Nang Rita na maghanapbuhay kaysa manghingi ng pera at makakakain sa iba.

Kaya naman, hinikayat ng netizen na nagkwento at nagbahagi ng kwento ng mga ito na kung maaari ay mayroong mag-abot ng kahit anumang tulong para kina Noy Loloy at Nang Rita. Kahit hindi na raw pera at bigas na lamang o ulam ang iabot sa mga ito ay malaking tulong na para sa dalawa.

“If you have so much blessings or more than enough, please share some with this old couple on their 80's, Noy Loloy and Nang Rita of Purok 9 Banhigan, Badian, Cebu. They live alone, no children.

“Si nang Rita halap (blurry eyesight) panglala ug banig ra gyud ang pangita… I heard wa sila kadawat ug cash help from the government. Bugas, sud an, is a big help na gyud.  Thank you sa mga namalit sa mga banig nila bisan d na best quality kay d naman maka klaro. God bless,” saad pa sa naturang Facebook post.


Matapos agad na magtrending ang Facebook post na ito ay marami ang nagpahayag ng kagustuhan na tumulong. Dumagsa agad ang mga ipinadalang tulong ng iba’t-ibang mga netizen para sa mag-asawa. Ayon sa netizen, agad niyang idinederetso ang mga tulong na ito kina lolo at lola na tuwang-tuwa sa mga tulong na kanilang natanggap.

Ilan lamang sa mga tulong na ipinaabot sa kanila ay bigas, mga pagkaing de lata, gatas, pera, mga grocery, at iba pa. Mayroon ding iba na personal na pinuntahan sina Nang Rita at Noy Loloy para mag-abot dito ng tulong.

Sa Facebook post ay naibahagi din ng netizen ang kalagayan ngayon ng tirahang bahay kubo ng mag-asawa. Tuwing umuulan ay nagpapalipat lipat umano ang mga ito ng pwesto sa loob upang hindi mabasa.

Dahil sa sitwasyon nilang ito kaya mayroong nagpadala ng mga materyales upang magtayo ng bagong bahay para kina lolo at lola. Agad din na naipatayo ang bahay na ito sa tulong din ng isang grupo na nais tumulong sa mag-asawa. Maayos na ngayon ang kanilang tahanan at hindi na sila nababasa tuwing umuulan.

Sa iba pang nais na mag-abot ng tulong para kina Nang Rita at Noy Loloy, heto ang buong Facebook post na ibinahagi ng netizen at kung paano makakapagpadala rito ng tulong:

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment